Kape, pinaka-apektadong commodity sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal

Imahe mula sa Department of Agriculture at Unsplash
  • Nasa P577.59 million na ang naitalang pinsala sa agrikultura sanhi ng pagsab0g at patuloy na pag-aalbur0t0 ng Bulkang Taal
  • Sa naunang bulletin ng Department of Agriculture, sinabing kape ang pinaka-naapektuhan nito
  • Nasa 99 percent ng kabuuang pinsala kasi ang nakaapekto sa mga pananim na kape

Umabot na sa P577.59 million ang naitalang pinsala sa agrikultura dahil sa pagsab0g at patuloy na pag-aalbur0to ng Bulkang Taal, ayon sa Department of Agriculture (DA) – CALABARZON.

Imahe mula sa Department of Agriculture

Una nang naiulat na kape ang pinaka-napinsala rito. Sa bulletin na inilabas ng DA, sinabing P73.96 million o 99 percent sa kabuuang 74.55 million na agricultural losses ay nakaapekto sa kape. Wala namang impormasyon kung magkano na ang kabuuang halaga ng pinsala sa kape sa bagong bulletin.

Napinsala rin ng Taal V0lcano erupti0n ang iba pang basic commodity tulad ng bigas, mais, cacao, saging, at iba pang high-value crops. Aabot na sa 2,772 hectares ang lawak ng pinsala.

Sa kabila nito, makatutulong daw ang masamang pangyayaring ito sa “birth of soil,” na mas makapagpapaganda ng fertility ng lupa. “Despite the agricultural damages caused by the v0lcanic erupti0n, such event also contributes to the ‘birth of soil’ as it renews and replenishes the nutrients; improving soil fertility on medium to long term,” saad nila sa bulletin.

Imahe mula sa Unsplash

Samantala, mamimigay raw sila ng P21.7 milyong halaga ng crops at livestock sa 17 local government units kabilang na ang Agoncillo, San Nicolas, Talisay, Lemery, Laurel, Lipa City, San Jose, Nasugbu, Mataas na Kahoy, Balete, Cuenca, Alitagtag, Padre Garcia, Tanauan, Malvar, at Taal.

Nakahanda na rin ang 5,000 coffee mother plants at 1,000 cacao seedlings na ipamamahagi sa mga naapektuhan. Tanghali ng Enero 12, 2020 nang maganap ang phreatic erupti0n sa Bulkang Taal. Hanggang sa kasalukuyan ay nakataas pa ang ang Alert Level 4 na nangangahulugang maaaring maganap ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

Loading…