Kapuso journalist Atom Araullo, napa-sana all sa sweet na couple na katabi niya

  • “Sana mantika” ang nasabi ni Atom Araullo sa sweet na couple na katabi niya
  • Ang sana mantika ay baryant ng sikat na katagang “sana all” na sinasabi kung gustong maranansan din ang mayroon ang iba
  • Marami namang fans ni Atom ang natuwa at natawa sa birong ito ng Kapuso journalist

Pinatunayan ng journalist na si Atom Araullo na hindi lamang mga celebrity ang maaaring hangaan ng mga manonood. Maliban sa kanyang husay sa pamamahayag, marami rin ang nakapapansin sa good looks ng Kapuso journalist at documentarist. Gayunman, kahit parang na kay Atom na ang lahat, marami ang nagtataka kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon.

Pero mukhang ganoon din si Atom, dahil mukhang wish niya ring magkaroon na ng pag-ibig ngayong 2020. Sa isang Facebook post kasi, ibinahagi ni Atom ang kanyang ‘damdamin’ sa sweet couple na nakatabi niya habang nagbabakasyon sa ibang bansa.

Larawan mula sa Facebook account ni Atom Araullo

“Sana mantika,” ang sigaw ni Atom habang malayo ang tingin at nakaupo sa tabi ng dalawang sweet na magsing-irog na banyaga. Ibig sabihin ng “sana mantika” ay “sana oil” o isang malikhaing paraan para sabihin ang sikat na kataga ngayong “sana all.” Sana lahat daw ay mayroong karelasyon ngayong holiday season, biro ni Atom.

Naging mabenta sa mga netizen ang banat na ito ni Atom na kadalasan ay seryoso sa kanyang mga post at kilala rin sa kanyang may pagka-mysterious na personalidad. Umabot lang naman sa halos 5,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at halos isang libong shares ang post na ito ni Atom.

Katulad ng inaasahan, inulan ng mga komento ng fans ni Atom ang kanyang post. Sabi ng ilang tagahanga ng I-Witness host, si Atom lang naman daw ang hinihintay nila at ready na sila para sa ‘couple goals 2020.’ May mga netizens din na kanya-kanyang tag sa mga humahanga kay Atom na parang sinasabi na naghahanap ng pag-ibig ang kanilang idol.

Larawan mula sa Facebook account ni Atom Araullo

Na-link naman ang 37 anyos na journalist sa iba’t ibang personalidad katulad ng kasamahan noon sa Umagang Kay Ganda na si Gretchen Ho at dating kasama sa Kapamilya network na si Zen Hernandez ngunit wala namang kinumpirma si Atom kung may nakarelasyon nga ba siya sa mga ito.

Gayunman, mukhang masaya naman ang mamamahayag sa kanyang career ngayon lalo na nang lumipat siya sa GMA Network. Ang kanyang documentary show na The Atom Araullo Specials episode na “No Leftovers” ay nanalo ng Silver sa 2019 New York Festivals.

Loading…