Kathryn Bernardo at Daniel Padilla balik teleserye ngayong 2020; posible raw na ipalit na sa 4-anyos na Ang Probinsyano

  • Magbabalik na sa primetime ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
  • Sinasabing ito raw ang serye na papalit sa Ang Probinsyano sakaling hindi na ito ma-extend
  • Maliban sa KathNiel starrer, marami ring programa ang nakatakdang mapanood sa ABS-CBN ngayong taon

Sa pagpasok ng taon, normal nang ipinasisilip ng mga television networks ang mga programang aabangan ng mga manonood. Isa sa mga pinag-uusapan ngayon, lalo na social media, ay ang pagbabalik sa paggawa ng teleserye ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na mas kilala rin bilang ‘Kathniel.’

Trending ngayon sa iba’t ibang social media sites ang bagong serye na pagbibidahan ng real life couple na sina Daniel at Kathryn na may working title na Tanging Mahal.

Kumakalat sa social media ang maikling clip na kinatatampukan ng Kathniel mula sa kanilang matagumpay na fantaseryeng La Luna Sangre.

Larawan mula sa ABS-CBN

Hindi malinaw ang detalye ng comeback series nina Daniel at Kathryn kaya naman kanya-kanyang hula ang kanilang fans sa magiging plot nito. May mga nagsasabi na maaaring karugtong ito ng serye nilang La Luna Sangre dahil ginamit sa teaser ang huling eksena ng nasabing fantasy series kung saan nakasama nila sina Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Umaasa rin ang ilang fans na bagong kuwento ito at isang heavy drama tulad ng nakaraan nilang pelikula na magkasama sila na The Hows of Us. May ilang fans naman na kahit ano pa raw ang magiging takbo ng kuwento ay excited pa rin sila dahil ito na rin ang marka ng pagbabalik tambalan ng dalawa dahil ang Kapuso actor na si Alden Richards ang nakasama ni Kathryn sa huling pelikula nito na Hello, Love, Goodbye.

Sa isang pahayag din, sinabi nina Daniel at Kathryn na ang kanilang bagong teleserye ay kukuhanan sa bansang Mexico. Sinasabi ring kung hindi na mae-extend ang apat na taong serye ni Coco Martin na Ang Probinsyano, ang KathNiel-starrer na raw ang papalit dito.

Larawan mula IG account ni Kathryn Bernardo

Trending rin sa Twitter ang titulo ng kanilang upcoming project dahil ang ‘tangi’ at ‘mahal’ daw ay ang tawagan nina Daniel at Kathryn sa isa’t isa. Tangi raw ang term of endearment ni Daniel kay Kathryn habang mahal naman daw ang tawag ng aktres kay Daniel, kaya naman lalong kinikilig ang kanilang fans at excited na para sa teleserye.

Maliban sa Tanging Mahal, inilahad na rin ng ABS-CBN ang ilan pa nilang new series katulad ng Ligaya na pagbibidahan ng social media superstar na si Ivana Alawi at ang Kahit Minsan Lang na pagbibidahan naman ni Bea Alonzo.

Source :

PUSH, PEP

Loading…