Kim Chiu, marami ang ipinagpapasalamat sa 2019; handa na ring masurpresa sa 2020

  • Marami ang sumusubaybay sa buhay at karera ng ‘Chinita princess’ na si Kim Chiu
  • Isa siya sa mga matagumpay na artista sa kaniyang henerasyon
  • Marami sa kaniyang mga pangarap ang natupad noong 2019 at inaasahang mas madadagdagan pa ito sa 2020

Isa si Kim Chiu sa mga maniningning na artista ng kaniyang panahon. Simula nang pumasok siya sa ‘Bahay ni Kuya’ noong 2006 ay hindi na siya pinabayaan ng ABS-CBN. Patuloy niyang pinagbubutihan ang kaniyang karera sa showbiz kaya patuloy siyang nagtatagumpay.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

Idagdag pa rito ang suporta at pagmamahal ng kaniyang pamilya at ang ligaya na naibibigay sa kaniya ng real-life sweetheart niyang si Xian Lim.

Mayroon siyang mahigit sa 11.3 milyon followers sa Facebook, may 7.7 milyon sa Instagram, at may 1.3 milyon subscribers din siya sa YouTube.

At para kay Kim, naging taon niya ang 2019. Hindi lamang dahil sa kaniyang personal na tagumpay kundi para rin sa tagumpay ng mga taong malapit sa kaniyang buhay. Tulad na lamang ng ligayang nadama niya nang makapasa bilang commercial pilot ang kaniyang kapatid nito lamang Disyembre.

“2019 you have been great to me!!! Answered prayers, opportunities I thought I would never get, rocky road I surpassed, somethings I wasn’t able to have but I know it is all in your will, all in His perfect time,” ayon sa New Year’s Instagram post ni Kim.

Si Kim at Xian ay naglaan ng panahon para sa kanilang Holiday vacation sa Europe na isa sa mga patunay kung gaano siya katagumpay.

Siyempre, sa bawat tagumpay na ito ay naroon pa rin ang mga pagsubok na lalong nagpatibay kay Kim bilang isang tao.

Imahe mula sa Facebook page ni Kim Chiu

“Lessons I’ve learned along the way. Thank you 2019 for making me tough!” dagdag ng aktres.

Sa taong ito, inaasahang mapapanood na ang pinakainaabangang pagbabalik-tambalan nila ni Xian sa telebisyon—ang Love Thy Woman.

“Wishing year 2020 will a lot be greater and better as I unfold another 366 days of my life! Let’s go 2020! Let’s rock! Surprise me! This tough lady is about to ride the 2020 roller coaster journey! Let’s go! I’m ready! Happy 2020 everyone,” masayang bati ng aktres.

Source :

Instagram

Loading…