Kobe Bryant, iginuhit ng isang Senior High School student sa pamamagitan ng chalk art

  • Isang kahanga–hangang tribute ang nilikha ng isang Grade 12 Senior High School student para kay Kobe Bryant
  • Lumikha siya ng chalk art ng mukha ng basketball legend sa pisara ng kanilang silid–aralan
  • Umani naman ito ng positibong mga komento mula sa mga netizens

Iginuhit ng isang Grade 12 Senior High School student ang mukha ng kanyang idolong si Basketball legend Kobe Bryant o kilala sa tawag na “Black Mamba” sa pamamagitan ng chalk sa pisara ng kanilang silid-aralan habang recess.

Ayon kay John Herbert Santiago mula sa Panipuan High School sa Pampanga, ito raw ang kanyang simpleng paraan upang bigyan ng tribute ang kaniyang idolong namayapa noong Lunes, Enero 27, 2020 dahil sa pagbagsak ng helicopter, na lulan siya kasama ang anak na babae at pitong iba pa.

Ayon sa kaniyang Facebook post, “Tribute to my idol. R.I.P MAMBA OUT.”

Imahe mula sa Facebook account ni John Herbert Santiago

Dahil napakaganda naman talaga ng kaniyang ginawa, hindi ito ipinabura ng kanyang gurong tagapayo sapagkat sayang daw ang kaniyang chalk art, na kumuha ng atensyon at paghanga mula sa mga netizens. Hindi naman nila napigilang magkomento.

” Every detail and stroke of his drawing represents the exact feature of the one and only Mamba. The great respect of the artist is also evident in every stroke as way of giving respect to our IDOL. Very talented and intelligent artist” komento ng isa.

Paghanga naman ng isa, “This boy is so TALENTED! Look at his masterpiece on his profile… sobrang galing.
To John Herbert Santiago, do have the mentality that KB had, and you will succeed in life just like him.”

“Ang galing mo naman! Enjoy sharing your talent. You are an artist in your own way. Keep enhancing your talent, use that in your school & in your college years,” sabi naman ng isa.

 “Looks like a masterpiece from an expert and talented artist. Way to go, young man. Focus on your dreams and reach for your goals in life. The road to success is not easy. There maybe bumpy roads on your journey but that should not stop you from going through,” payo naman ng isang tagahanga.

Imahe mula sa Facebook account ni John Herbert Santiago/Public Domain Image

Marami naman sa mga netizens ang humingi ng permiso sa naturang student artist na magamit ang larawan ng kaniyang chalk art bilang wallpaper sa kanilang mga cellphone upang maalala nila ang kanilang idolong si Kobe Bryant.

Pagbati sa iyo, John Herbert! Nawa ay linangin mo pa ang iyong talento sa pagguhit. Malayo ang mararating mo!

Loading…