Kris Bernal at non-showbiz BF, nagpalitan ng sweet messages sa IG

Imahe mula sa Instagram | Kris Bernal
  • Maraming ipinagpapasalamat si Kris Bernal sa non-showbiz boyfriend niyang si Perry Choi
  • Ibinahagi niya ang mga ito sa isang post sa Instagram
  • Samantala, hindi naman nagpahuli si Perry at gumawa pa ng tula na ibinahagi niya sa kaniyang sariling IG account

Sa pagsisimula ng taon ay hindi nakalimuta ng aktres na si Kris Bernal na pasalamatan ang kaniyang non-showbiz boyfriend para sa nakalipas na taon.

Imahe mula sa Instagram | Kris Bernal

Sa Instagram, nagbahagi siya ng larawan nila ni Perry Choi kalakip ang sweet na liham.

“I want to thank you for the endless things you do for me and for everything that you are, @choiperry,” panimula niya. Ilan sa mga ipinagpapasalamat niya ay ang pagmamahal sa kaniya ng nobyo na aniya ay “endlessly, honestly, constantly, completely, with all your heart, mind, and being.”

Mabibilang lamang daw sa daliri ang kanilang tampuhan ngayong taon kaya naman thankful din siya dahil naintindihan ni Perry ang “emotional rollercoaster” niya noong 2019.

Bukod sa mga ito, may life lesson din daw siya na napulot mula sa boyfriend. “This is not a quote I got from a famous leader, author, or whatsoever. This is a lesson learned from Perry on how to live life, love life, find happiness, and live the version of the good life. ‘Success is never measured by pesos and cents; Success is what you do to others with what you have,’” pagbabagi ni Kris.

Imahe mula sa Instagram | Kris Bernal

Samantala, hindi naman nagpahuli ang kaniyang boyfriend at gumawa pa ng tula para sa dalaga.

“Hello Kris Bernal, congrats sa iyong mga parangal. Napakahusay mong babae, pinanganak ka talagang umarte. Nakilala kita ng dahil sa burger, hindi inaasahan na ito ay aabot sa something bigger. Normal lang ang awayan, ‘wag lang tayo mag ayawan,” sabi ni Perry.

Hindi rin niya nakalimutan na ibalik ang pasasalamat kay Kris. “Salamat Kris sa lahat, lalo na ang pagbigay ng chicken balat!”

Ayon sa isang ulat, nagkakilala ang dalawa dahil sa burger joint ni Kris na Meat Kris, kung saan naging meat supplier niya si Perry.

Loading…