Kris Bernal, may 100k subscribers na sa YouTube channel niya; pinangakong may papremyo sa mga sumusuporta sa kanya

  • Mayroon nang 100,000 subscribers si Kris Bernal sa kanyang vlogging channel
  • Nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta sa kanya sa loob ng anim na buwan sa YouTube
  • Pinangako naman niya na bilang pasasalamat ay may paandar siyang gagawin sa Pebrero para sa kanyang mga subscribers

Kahit busy ang mga celebrity sa kanilang mga proyekto sa loob ng showbiz, marami sa mga ito ay gumagawa ng kanilang sariling YouTube channel upang maabot ang mas maraming fans. Sa pamamagitan kasi ng vlog ay mas nakikila sila ng kanilang fans dahil malaya sila sa content na gusto nilang gawin.

Isa sa mga naglunsad ng kanyang vlogging channel sa YouTube ay ang Kapuso drama actress na si Kris Bernal. Anim na buwan ang nakalilipas nang gawin ni Kris ang kanyang vlog na agad sinuportahan ng kanyang mga followers at fans.

Larawan mula sa Instagram post ni Kris Bernal

At ngayong buwan nga, nakuha na ni Kris ang kanyang YouTube silver play button award matapos makakuha ng 100,000 subscribers. Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at hindi niya raw inaasahan ang tagumpay ng kanyang vlog.

Nagpasalamat din siya sa mga walang sawang sumusubaybay sa vlog kahit hindi siya consistent sa pag-a-upload ng video. Natuwa rin siya na maraming nanonood ng kanyang mga vlogs patungkol sa pagiging ‘one woman team’ sa maraming bagay na nakatutulong daw sa kanyang subscribers.

“I am so humbled by support SHE-zums as I’ve worked hard over the past months creating contents on how to be a ‘one woman team.’ Thank you for tuning in considering my inconsistency in uploading video. Kailangan ko lang po talaga ng maraming oras at pahinga,” paliwanag ng StarStruck alumna.

Masaya ring inilahad ni Kris na ang unang sweldo na natanggap niya bilang isang vlogger ay napunta sa isang magandang bagay. Ibinahagi niya raw ang kabuuan nito sa isang animal welfare organization dahil kilala rin si Kris na mapagmahal sa kanyang mga alagang aso.

“I actually donated my first YT income. Wala pa akong 100k subs noon pero naisip ko ibigay ko na lang isang animal welfare organization,” kuwento ni Kris.

Larawan mula sa Instagram post ni Kris Bernal

At ngayong mayroon na siyang 100,000 subscribers, pangako naman ni Kris ay mayroon siyang paandar para sa kanyang mga masugid na manonood bilang pasasalamat, at ito raw ay isang bagay na di pa nila naaangkin.

“So to give back for having me surpassed 100k subs, I have something for you on 02.05.20 and it’s something YOU HAVEN’T OWNED yet,” rebelasyon ni Kris.

Ay siya! Mag-subscribe na at baka ikaw ang papalarin sa surprise pakulo niya sa Pebrero!

 

Loading…