LA Tenorio ng Barangay Ginebra inalay ang kampeonato sa mga naapektuhan ng Taal

  • Ang Barangay Ginebra point guard na si LA Tenorio, magbibigay ng tulong sa mga evacuees sa Batangas
  • Inalay ni Tenorio, na tubong Batangas, ang kampeonato ng kanyang team para sa mga naapektuhan ng Taal eruption
  • Ang mga kamag-anak ni Tenorio ay nag-evacuate sa Lipa, Batangas nang pumutok ang Bulkang Taal

Personal na magtutungo si Lewis Alfred “LA” Tenorio, ang beterano at napakahusay na point guard ng Philippine Basketball Association (PBA) team na Barangay Ginebra San Miguel, sa mga kababayan niya sa Batangas na apektado ng Taal Volcano eruption.

Imahe mula sa PBA

Sa panayam sa kanya matapos makuha ng kanyang koponan ang kampeonato sa PBA Governor’s Cup noong Biyernes, ika-17 ng Enero, sinabi ni LA Tenorio na agad siyang magpapadala ng tulong sa mga kababayan.

Inalay niya ang kanilang panalo laban sa Meralco team sa lahat ng mga naapektuhan ng Taal.

Si LA ay residente ng Nasugbu, Batangas at ang angkan ng mga Tenorio ay tubong Taal, Batangas kung saan isang barangay doon ay halos mga kamag-anak nila ang naninirahan.

Aniya, nakapagpadala na siya ng tulong sa mga kamag-anak dahil ang kanyang ama at 60 na kamag-anak ay nakatira ngayon sa iisang bahay.

“I already sent some donation to my immediate family there, because my dad and 60 of my relatives are all living in one house,” aniya.

Screenshot mula sa video ng News5

Sabi ni Tenorio, na kilala sa bansag na “Tinyente,” kinausap umano siya ni PBA Commissioner Willie Marcial na sumabay na siya sa kanila sa pagtungo sa Batangas dahil may  relief operations din na gagawin ang PBA.

Tumanggi si Tenorio na sumabay sa grupo ni Commissioner Marcial. Magkahiwalay umano ang lugar na patutunguhan nila.

Ani LA, sa Lipa, Batangas ang tungo niya dahil doon nag-evacuate ang mga kamag-anak niya.

Imahe mula sa Facebook | LA Tenorio
Source :

Inquirer

Loading…