Lady officer gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang female Commodore ng Philippine Navy

  • Isang Lady officer ang gumawa ng kasaysayan bilang first female Commodore ng Philippine Navy
  • Si Commodore Luzviminda Camacho ay kinikilala rin siya bilang first female commander ng naval warship
  • Siya rin ang unang female commander ng Filipino peacekeeprs na ipinadala ng Pilipinas sa bansang Haiti

Isang Philippine Navy officer ang gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang babaeng Commodore matapos siyang ma-promote noong Martes, ika-28 ng Enero. Ang Commodore ay katumbas ng Brigadier General o one-star rank sa Army, Air Force at Marines.

Imahe mula sa AFP Public Affairs Office

Dating Navy Captain at Commodore na ngayon, si Luzviminda Camacho ay isa sa tatlong military officers na binigyan ng promosyon sa donning-of-rank ceremony na pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff  General Felimon Santos, Jr. sa Camp Aguinaldo in Quezon City.

Si Commodore Camacho ang kasalukuyang hepe ng Armed Forces of The Philippines Office of Legislative Affairs (AFP-OLA).

Bukod sa pagiging unang Commodore, siya rin ang kauna-unahang babaeng hepe  ng AFP-OLA. Kinikilala rin siya bilang kauna-unahang lady officer na commander ng naval warship. Siya ang commanding officer ng BRP Iloilo noong 2010 at ng BRP Magat Salamat noong 2011.

Siya rin ang unang female commander ng Filipino peacekeepers na ipinadala ng Pilipinas sa bansang Haiti. Tumagal sila doon mula June 2013 hanggang January 2015.

Imahe mula sa Philippine Navy

Ang promosyon ni Camacho ay isang pambihirang achievement sa isang male-dominated organization na AFP, lalo na para sa officer na tulad niyang hindi nagtapos sa Philippine Military Academy. Pumasok siya sa serbisyo sa pamamagitan ng Navy Officers Candidate Course.

Bago niya narating ang kasalukuyang ranggo, nagsilbi rin si Camacho sa BRP Emilio Jacinto bilang mess officer, first lieutenant, supply officer, engineering officer, damage control officer, operations officer at executive officer.

Imahe mula sa Philippine Navy
Source :

Facebook, PNA

Loading…