Lalaking ‘di makapasok sa bahay dahil sa bagong sementong kalsada, kinaaliwan ng netizens

Imahe mula sa Facebook | Don Aguilar Navarro
  • Pinag-uusapan ngayon ang post ng isang lalaki sa Facebook kung saan ibinahagi niya ang ‘So near yet so far’ moment niya
  • Papasok na sana si Don Aguilar Navarro sa kanilang bahay ngunit bagong buhos ang semento sa tapat nila
  • Naaliw naman ang netizens sa eksenang ito at ngayon ay may 26k reactions at 23k shares na.

So near yet so far.

Ganito ang naramdaman ng isang lalaki na pauwi na sana sa kaniyang bahay ngunit hindi niya magawa dahil bagong buhos ang semento sa tapat mismo ng kanilang tahanan.

Imahe mula sa Facebook | Don Aguilar Navarro

Kinaaliwan ng netizens ang reaksyon ni Don Aguilar Navarro sa eksenang ito na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook.

“Tambay muna dito sa labas ng bahay. Hindi ako makauwi. Anong oras kaya titigas yung semento?” sabi niya sa kaniyang status na ngayon ay may 26k reactions at 23k shares na.

Si K. Perez, sinabing simulan na raw ni Navarro ang pagpapaypay sa semento para mas mabilis itong matuyo. Sinagot naman siya nito at sinabing “Hinihipan ko na nga kanina, eh.”

Ang netizen na si J. Lopez naman, dadalhan na raw muna ng tent at kahoy ang kaibigan para makapag-bonfire habang nagpapalipas ng oras. Sabi ni Navarro, “Galing kang work tapos ganiyan ‘no? Pero okay lang, wait na lang ako. Padala mo na lang, ‘tol, camping muna ako.”

Nagbiro naman si Kaye H. na kung sa kaniya nangyari iyon ay magdo-drawing daw siya. “Kung sa amin may ganiyan, drawing ko ‘yan agad. May step mark ko pa,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Don Aguilar Navarro

Nakaabang naman ang netizens sa mga susunod na mangyayari at marami ang nagtanong ng update kay Navarro.

“Pa-update naman kung nakauwi na siya,” komento ni N. Rash. Ayon sa pinsan niyang si D. Dayao, nakauwi naman na raw si Navarro at dumiskarte muna ito habang hinihintay na matuyo ang semento.

“Sa mga nagtatanong po kung paano nakauwi pinsan ko, ito po. Nakipagbonding na lang po muna siya habang hinihintay matuyo yung semento,” sabi niya.

Source :

Facebook

Loading…