Lalaking may nakapaskil na “HIV positive” siya, itinampok ng isang netizen

  • Itinampok ng isang netizen ang isang lalaking may nakasabit na paskil sa kaniyang katawan
  • Nakalagay sa paskil na “HIV positive” ang naturang lalaki at humihiling siya ng yakap sa lahat
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Hindi madali para sa isang tao na aminin o ibulalas na siya ay may iniindang sakit o karamdaman, lalo pa’t ito ay kinaiilagan ng lahat. Kaya naman ang sinumang magkakaroon ng lakas ng loob na harapin ito, sa pamamagitan ng pag-amin pa lamang nito, ay isang malaking patunay ng katapangan.

Itinampok ng isang Facebook user na nagngangalang “Makoy Nammy” ang isang lalaking nakita niya umano sa labas ng isang sikat na mall sa North EDSA, na may piring sa mga mata at nakasabit ang paskil na naglalaman ng mensaheng “I am a HIV Positive, Will you HUG me?”

Batay sa kaniyang Facebook post: “I saw this man outside SM North… What a courage he has… Niyakap ko na rin. Can we share this and type #hugs?”

Imahe mula sa Facebook account ni Makoy Nammy

Nabagbag din ang puso ng mga netizens at hindi nila napigilang magkomento dito. Pagpuri ng isa, “Saludo ako sa iyo dahil hindi naging hadlang sa iyo ang pagkakaroon mo ng HIV. Bagkus lalo ka pang pinatatag nito at naging inspirasyon ka pa ng nakakarami nating may HIV pero takot sabihin sa mga magulang at kaibigan. I will definitely hug you tight!”

“Yes and I will comfort you to fight that kind of health condition. Laban lang at huwag isipin ang sasabihin ng ibang taong hindi nauunawaan ang iyong pinagdaranan,” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “No matter who this guy is, I will hug him tightly with all my heart , to stand there with such confidence and with that virus that most people hated and have been discriminated against humanity, I think he deserved not only a single hug but millions of hugs. So much respect with that guy.”

Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik, pagsasalin ng dugo sa pamamagitan ng injection, o gatas ng ina. Inaatake nito ang immune system ng katawan ng isang tao, na nagiging dahilan upang humantong sa Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS.

Sa kasalukuyan ay marami ang nangangampanya upang masugpo ang mabilis na pagkalat nito dahil halos 35 tao ang naitatalang nagkakaroon ng HIV sa bawat araw, na karaniwang nasa edad 15 hanggang 24 na taong gulang, at karaniwan ay lalaki.

Loading…