Larawan ng jeep na may kakaibang pakulo, ikinagulat ng pasahero

  • Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang jeep na may kakaibang pakulong disenyo
  • Ibinahagi ito ng netizen na si Ed Halili na tiyempong nakasakay sa natatanging pampasaherong jeep
  • Ikinagulat umano nito ang manibela at kambiyo na bumungad sa kaniyang harap pagsakay niya sa bakanteng upuan na katabi ng drayber

Viral sa social media ang larawan ng isang jeep na kakaiba ang style sa may bandang harapan.

Imahe mula kay Ed Halili | Facebook

Sa Facebook noong January 27, makikita ang natatanging jeep na may dalawang manibela at dalawang kambiyo sa unang bahagi ng sasakyan.

“Sumakay ako ng jeep, umupo ako sa front seat,” kuwento ng netizen na si Ed Halili. “Ta*na kinabahan ako! Akala ko ako magdadrive,” dagdag nito.

Pakwelang post ng binata inakala niya na siya na ang magmamaneho ng nasakyang pampasaherong jeep dahil sa bumungad sa kaniyang manibela at kambiyo nang umupo siya sa unahang bahagi ng sasakyan.

Kinaaliwan naman ang kakaibang disento ng jeep sa social media at umani ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

“Lupit! Dalawang steering wheel. Hahaha. Ikaw naman daw kapag pagod na driver. Hahaha,” natatawang sabi ni JAD.

“Hati raw kayo sa gulong. Kaliwa kay manong, kanan sa’yo. Haha,” biro ni ADS.

“Baka dating sasakyan ng driving institute? Kadalasan ginagamit ang mga ganyan na sasakyan sa pagtuturo ng driving. The student driver on the left, the instructor sitting beside him, para kung sakaling tumaliwas ang sasakyan gawa ng di pa marunong ang tinuturuan, mababawi ito agad ng nagtuturo gamit ang pangalawang manibela,” paliwanag naman ni EY.

Imahe mula kay Ed Halili | Facebook

“Ikaw raw mag-drive kapag hindi ka nagbayad,” ani JD.

“Nice idea para sa mga pasahero na feeling may kotse. Dito kayo sumakay,” sabi naman RT.

Sa kasalukyan ay mayroon nang higit 33,000 reactions ang post at may higit 39,000 shares na rin ito sa Facebook.

Imahe mula kay Ed Halili | Facebook
Source :

Facebook

Loading…