Larawan ng pulubing nakikipaglaro sa alaga nitong aso, umantig sa netizens

  • Marami ang naantig sa larawan ng isang pulubi habang nakikipaglaro sa alaga nitong aso sa tabi ng kalsada
  • Pinatunayan ng lalaki na kahit mahirap lamang siya ay kayang niyang maging mayaman sa pagmamahal ng kaniyang alagang hayop
  • Nag-viral naman ang mga larawan sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens

Umantig sa netizens ang mga larawan ng isang pulubi habang ito ay nakikipaglaro sa alaga nitong aso sa tabi ng kalsada.

Imahe mula sa Facebook page na Furr Station

Ibinahagi ng Facebok page na Furr Station ang litrato ng dalawa sa social media noong January 25.

“Poor [in] money but rich [by] heart. God bless you, Tatay,” ayon sa Facebook post ng Furr Station.

Bagama’t wala itong tsinelas, mababakas pa rin ang saya sa mukha ng lalaki dulot ng pakikipaglaro nito sa kaniyang alaga. Gamit pa ang isang bote ng kilalang inumin, nagkaroon ng alternatibong laruan ang kaniyang alagang aso.

Simple man ito sa paningin ng iba, kita naman na enjoy na enjoy ang aso lalo pa’t kasa-kasama niya ang kaniyang “best friend” kahit saan man ito magpunta.

Nag-viral din ang post at umani itong ng higit 17,000 reactions sa social media. Umabot rin sa higit 23,000 ang nag-share nito sa Facebook. Halo-halong emosyon ang naramdam ng netizens na kanila naman ipinahayag sa comment section ng nasabing post.

“This picture says it all. Sometimes less fortunate has a big heart than fortunate ones,” ani VM.

“Naiyak ako. Kahit mahirap si tatay yung pagmamahal niya sa aso nya is priceless,” pahayag ni AJB.

“They love each other. Ramdam ni doggie na mahal siya ng tatay niya,” sabi pa ni JBP.

Imahe mula sa Facebook page na Furr Station

“Wala naman pakialam ang mga aso kahit mahirap ka. Sa yo at sa yo pa rin iyan uuwi at sasama. Kaya yung mga nang-iiwan diyan ng mga alaga nila, my God maawa naman po kayo sa alaga ninyo. Kayo lang ang meron sila promise po,” pahiwatig naman ni MM.

Hiniling naman ng ibang netizens na sana ay mabigyan ng hanapbuhay ang lalaki upang magkaroon ito at ang kaniyang alaga ng mas magandang klase ng pamumuhay.

I-click ang imahe para makita ang orihinal na post
Source :

Facebook

Loading…