LOL! Lalaki halos kainin na ang buhok ng katabi sa bus; netizens naka-relate

  • Isang lalaki ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa isang pampublikong sasakyan
  • Halos makain na kasi niya ang buhok ng katabi sa bus na tinatangay ng hangin
  • Maraming netizens naman ang naka-relate sa karanasang ito ng komyuter

Bilang isang komuyter, marami tayong hindi malilimutang karanasan sa biyahe. Ilan sa mga karanasang ito ay kinapupulutan natin ng aral — tulad ng mga biyaherong nagsasauli ng mga bagay na natatagpuan nila sa daan o sasakyan. Habang ang ibang karanasan naman ay magkahalong nakatatawa at nakaiinis.

Ganito ang karanasan ng isang komyuter na ibinahagi niya sa kanyang social media account. Sa loob kasi ng isang ordinary bus ay nakatabi niya ang isang babae na mayroong mahabang buhok. At sa kanilang pagbiyahe, tinatangay ng hangin papunta sa mukha ng komyuter ang mahabang buhok ng babae.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Aldious Caingal:

I-click ang larawan upang mapanood ang video ni Aldious Caingal

Trending sa Facebook ang video na ito ni Aldious Caingal kung saan makikita na tila hinahampas siya ng buhok ng isang babaeng katabi niya sa bus. Tila wala namang pakialam ang kanyang katabi kaya sa inis niya, nagkunwari na si Caingal na kakainin ang buhok nito.

“Buti na lang naka-cream silk ka ‘te,” biro ni Caingal sa kanyang viral post. Habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang halos 461,000 views, 16,000 reactions, 1,700 comments, at 13,000 shares ang video ni Caingal na halos dalawang araw pa lamang naka-upload.

Maraming netizens naman ang naka-relate sa karanasang ito ni Caingal. Sabi ng mga social media users na nagkomento sa kanyang video, maging sila rin daw ay madalas makaranas ng ganito lalo na sa mga katabi nila sa jeep. May nagsabi pa nga na tila feel na feel  daw ng ilan ang nililipad nilang buhok habang nasa sasakyan at akala yata ay nasa isang music video.

“Hahaha. Relate ako d’yan. Maraming ganyan lalo na sa jeep. Hindi man lang itali. Akala mo e nasa music video. Akala nila masarap kumain ng buhok. Hahaha,” birong may kasamang pagkaasar ng isang netizen sa post ni Caingal.

Larawan mula sa video ni Aldious Caingal

Marami ring netizens ang nagta-tag sa kanilang mga tropa na nakaranas ng katulad sa video. Suwerte nga raw ni Caingal dahil mabango ang buhok ng nakatabi niya. May ilan daw kasi na parang hindi naligo ang amoy at mayroon pang bonus na ‘tsismis’ ang buhok.

Nagsilbing aral din ito sa mga komyuter, lalo na iyong may mga mahahabang buhok. Ayon sa kanila, mahalaga talagang sinupin ang buhok lalo na kapag nasa pampublikong sasakyan. Sa ganitong paraan ay makaiiwas sila sa pagbibigay abala sa ibang komyuter.

Loading…