Lt. Gen. Felimon Santos, Jr., bagong hepe ng AFP

  • May bago nang Chief of Staff ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
  • Ito ay ang puno ng Eastern Mindanao Command na si Lt. Gen. Felimon Santos, Jr.
  • Naging commander siya ng 7th Infantry Division na nakabase sa Nueva Ecija, 63rd Infantry Battalion sa Samar, 703rd Infantry Brigade sa Central Luzon, at operations chief ng Central Command sa Visayas

Itinalagang bagong Chief of Staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas si Lt. Gen. Felimon Santos, Jr., na kasalukuyang puno ng Eastern Mindanao Command, na magiging epektibo sa Sabado, Enero 5, 2020.

Sa isang pormal na liham ng pagtatalaga na naka–address kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, kumpirmadong si Santos na nga ang magiging pinuno ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, na papalit kay Lt. Gen. Noel Clement, na magreretiro na sa Enero 5, 2020.

Imahe mula sa Twitter account ng Department of National Defense

Si Santos ay manunungkulan bilang AFP Chief sa loob ng pitong buwan. Bababa rin siya sa puwesto sa Agosto 3, 2020 para sa kaniyang mandatory retirement sa edad na 56. Katulad ng iba pang mga nauna sa kaniya, prayoridad ni Santos na ipagpatuloy ang pagsawata sa mga rebelde o tulisang naghahasik ng kaguluhan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas.

“In the previous years, parang pagka sinabi mong may insurgency sa isang area, it’s the AFP and PNP’s problem… but now… it’s the local chief executive that’s now leading in solving the problem,” ani Santos hinggil sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “We will try na mawala ang NPA’s so local executives can focus on good governance in their areas.”

Ang bagong AFP Chief of Staff ay kasapi ng PMA ‘Sinagtala’ Class of 1986. Aktibo ang kaniyang pakikiisa sa mga programang panseguridad at pangkapayapaan sa buong bansa, at isa sa mga utak ng operations, intelligence, at civil-military operations.

Bukod dito, naging commander siya ng 7th Infantry Division na nakabase sa Nueva Ecija, 63rd Infantry Battalion sa Samar, 703rd Infantry Brigade sa Central Luzon, at operations chief ng Central Command sa Visayas. Noong 2019, naging pinuno naman siya ng Eastern Mindanao Command.

Public Domain Image

Loading…