Lungsod ng Maynila mamamahagi ng 500,000 face masks sa mga estudyante ng pampublikong paaralan

  • Lungsod ng Maynila mamamahagi ng 500,000 face masks sa mga estudyante ng public schools
  • Nagbabala si Yorme sa mga negosyante laban sa profiteering
  • Nanawagan din siya sa mga restaurants na huwag na munang magsilbi ng mga exotic foods

Inanunsyo ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Maynila  na ipamamahagi nito ang 500,00 face masks para sa mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan.

Screenshot mula sa video ng Manila PIO

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon sa unang kaso ng novel coronavirus infection sa bansa na kasalukuyang ginagamot sa isolation room sa San Lazaro Hospital sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa isang live broadcast sa Facebook, sinabi ni Mayor Isko Moreno na bago pa man makumpirma ang unang nCoV case sa bansa ay makapagpapamahagi na sila ng mga face masks sa mga residente ng 896 barangay sa Maynila.

Noong Huwebes, ng gabi, ika-30 ng Enero, nasa 150 na empleyado ng Manila Traffic and Parking Bureau ang nag-repack ng libo-libong face masks sa Bulwagang Katipunan sa Office of the Mayor. Ang mga ito  ang ipamamahagi sa mga estudyante sa public schools.

Kaugnay nito, nagbigay ng babala si Mayor Isko sa mga negosyante na huwag mag-overprice ng mga ibinebentang face masks sa gitna ng nararanasang nCoV scare.

“If you continue doing that, we will make you criminally liable. We guarantee that we will monitor and if we found anybody or anyone, we will make them, one: cancel their business permit; and two, we will go after you, and we will file cases against you,” babala ni Yorme.

Imahe mula sa Manila PIO

May panawagan din ang alkalde sa mga restaurants na huwag munang magsilbi ng mga “exotic foods.”

“Nananawagan ako sa mga restaurant, huwag muna kayong maghanda ng mga hindi masyadong normal, mga exotic food. We respect your culture, but please. ‘Yung mga nakasanayan ninyo, baka sa inyo mabuti yan, pero baka sa pangkalahatan, hindi mabuti yan,” panawagan ni Yorme.

Imahe mula sa DOH

Pinaalalahanan din niya ang publiko na laging hugasan ang mga kamay gamit ang disinfectant, panatilihing malakas ang immune system sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig, uminom ng mga bitamina at iwasan ang paglabas sa bahay lalo na kapag may sakit.

Loading…