Madam Kilay muling nag-trending dahil sa post ng boyfriend

  • Madam Kilay at American boyfriend na si Michael, break na
  • Isang video ang ugat ng kanilang breakup
  • Inakusahan ni Michael si Madam Kilay na isang ganid pagdating sa pera

Muling nag-trending si Jinky Cubillan-Anderson na mas kilala bilang Madam Kilay hindi dahil sa mga nakatutuwa niyang video kundi sa pahayag ng kanyang boyfriend na si Michael.

Imahe mula kay Madam Kilay

Sa isang Facebook post na ngayon ay inalis na, isiniwalat ni Michael na tapos na ang relasyon nila ni Madam kilay.

“I’d like to disclose that Anderson Jinky (Madam Kilay) and I will no longer be together,” post ng American boyfriend ni Madam Kilay.

Ang dahilan daw nito ay ang huling video na ginawa ng nobya.

Batay sa isang netizen na nakapanood ng nasabing video, habang sumasayaw daw si Madam Kilay ay nakita si Michael sa background na tumakbo patungo sa palikuran. Wala umanong saplot ang lalaki.

Ayon kay Michael, hindi niya binigyan ng consent ang nobya na i-post sa social media ang video, subalit ginawa rin nito kaya napahiya raw siya.

“The recent video she posted of me was uncalled for. I did not give consent for her to post that and in fact, I asked that she deleted that video. I only partook in that to make her laugh and for fun but not for it to be posted. She has violated my trust and disrespected me in a way I cannot forgive,” saad ng 22-anyos na Amerikano.

Imahe mula sa Facebook page ni Michael the Berserker

“She humiliated me in-front of thousands of you that saw that for the sake of content. She threw away our love and amazing relationship for the sake of content. I expect to lose a majority of my fan base because it’s for her that I gained this bit of a following but that’s okay,’ dagdag pa niya.

Inakusahan ni Michael na ganid si Madam Kilay pagdating sa pera.

“It wasn’t for fun. It was for content. Content=money. She’s greedy and puts money first in her life,” sabi ni Michael sa isang netizen na nagsabi na katuwaan lang ang video.

Imahe mula sa Facebook page ni Michael the Berserker

Maraming social media users ang humusga kay Madam Kilay kaya naman hindi niya napigilan na mag-post ng saloobin.

Boom Kampihan na Bashers! Labas mga Chismosa,” anang Pinay internet sensation na nakabase sa Florida, USA.

Ayoko magpa-trend kaya nga hindi ako nag po-post sa Madam Kilay Page about that issue, eh malamang dun Bulabog!! Kung gusto ko lang eh di dapat kanina pa! Pero kung pipilitin ako eh baka,” sabi pa niya.

Sa kabila nito, marami pa rin sa mga followers ng dalawa ang umaasang maaayos nila ang anumang hindi magandang namamagitan sa kanila ngayon.

Imahe mula sa Facebook page ni Michael the Berserker
Source :

Facebook

Loading…