Magbabarkadang nagkakasiyahan, napatulong sa panganganak ng isang babae sa isang kalsada sa Maynila

Imahe mula sa Facebook | King Josa Raquin at GMA News
  • Naging literal na ‘birth day’raw ang birthday celebration ng magkakaibigan sa Tondo, Maynila
  • Bigla kasi silang napatulong sa isang babaeng napapaanak na sa kalsada
  • Ligtas at malusog naman ngayon ang batang lalaking ipinanganak ng ginang sa kalsada

Ang birthday celebration ng magkakaibigan sa Tondo, Manila ay literal na naging ‘birth day’ matapos nilang tumulong sa pagpapaanak ng isang babae.

Imahe mula sa Facebook | King Josa Raquin

Ibinahagi ni King Josa Raquin sa Facebook ang video ng eksenang ito. “Minsan talaga may mga bagay na nangyayari nang hindi natin inaasahan at nangyayari talaga ang mga bagay nang may dahilan,” sabi niya.

Kung hindi raw kasi sila nagkakasiyahan madaling araw noong Martes ay hindi nila sigurado kung ano ang mangyayari sa babaeng napaanak na kinilalang si Jinky Locson.

Kuwento naman ni Neill Chrisostomo Ban sa GMA News, noong una raw ay hindi nila pinansin ang babaeng patungo sa kanilang direksyon dahil madalas daw talagang may mga nangti-trip sa lugar nila.

“Usual kasi sa area namin ‘yung mga ganoon na nangti-trip kaya pag tingin ko, deadma lang. Maya maya, palapit na siya nang palapit, manganganak na raw,” sabi niya.

Imahe mula sa video ng GMA News via Facebook

Hindi raw kasi nila kaagad napansin na buntis pala ang babae dahil maliit daw ang tiyan nito. Ngunit nang makumpirma na nangangailangan ito ng tulong ay hindi na sila nagdalawang-isip.

“Nakita ko nang pumut0k yung panubigan, pati yung mga dug0. Sabi ko hindi na nagbibiro ito kaya ginawa ko, inikutan ko na siya,” sabi ni Raquin.

Naalalayan naman nila si Locson sa panganganak at saka dinala sa 0spital. Pinuntahan ng GMA News ang magkakaibigan sa Perla Street at sinabi nilang masaya sila na natulungan nila ang babae dahil hindi raw lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maranasan iyon.

“Yung kaibigan ko, dating housewife, ngayon midwife na,” biro ng isa.

Si Locson, ikinuwento naman na hindi niya inaasahan na manganganak na siya. Mabuti na lamang daw at may dinatnan pa siyang tao sa labas dahil tulog na raw ang karamihan.

Ligtas at malusog naman ang kaniyang anak na pangangalanan niyang Johnston, isinunod sa 0spital kung saan siya dinala.

Loading…