Mala-graduation na pagtawag sa mga pangalan ng evacuees na binibigyan ng relief, kinaaliwan ng netizens

  • Kakaiba ang naging pamamaraan ng pamimigay ng relief goods sa isang evacuation site para sa mga evacuees ng Bulkang Taal
  • Nagmistulang nasa graduation ceremony ang mga bakwit nang isa-isang tawagin ang kanilang mga pangalan para abutan ng tulong
  • Viral naman ang video dahil sa aliw na dala nito sa netizens

Kinaaliwan sa social media ang paraan ng pamimigay ng relief good sa mga evacuees na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa Facebook video ni Nheil Benedict

Sa Facebook kamakailan lamang ay ibinahagi ni Nheil Benedict ang nakaaaliw na pagtawag sa pangalan ng mga evacuees na inaabutan ng tulong ng mga namamahala sa relief operation.

“Hindi po na-graduate ang mga iyan. Nagtatawagan po ng pagkuha ng relief goods,” natatawang paliwanag nito sa caption ng kaniyang video. Dagdag pa niya. “Iba talaga ang mga taga-Batangas.”

Labis na kinaaliwan ng netizens ang video na in-upload ni Nheil dahil makikita rito ang kakaibang paraan  ng pagtawag sa mga bakwit na binibigyan ng ayuda.

Nagmistulang nasa graduation ceremony kasi ang mga ito dahil sa background music na pinatugtog habang binabanggit ang kani-kanilang mga pangalan. Hindi maitatanggi na may hatid itong kiliti sa mga taong naroroon, gaya ng tuwa ng mga netizens na nakapanood ng videong ito.

Proud ang netizen na nagbahagi ng video dahil sa kabila ng pagsubok na kinahaharap ng kanilang probinsiya ay nagagawa pa ring ngumiti at magsaya ng mga kababayan.

Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa matapos mapanood ang video na ibinahagi ni Nheil.

“Ang kukulit talaga ng mga Batangueño, aba! Hahaha!” ani PC.

WATCH: Viral ngayon ang kakaibang paraan ng pamimigay ng Relief Goods sa mga nasalanta ng Taal Volcano Eruption

WATCH: Viral ngayon ang kakaibang paraan ng pamimigay ng Relief Goods sa mga nasalanta ng Taal Volcano Eruption.Iba talaga ang Batangueño! #GoBatangueñoVideo: Nheil Benedict#GoBatangas #BangonBatangas #TulongTulongTayo#TaalEruption2020 #TaalVolcano #TaalVolcanoEruption2020

Posted by GO Batangas on Saturday, January 18, 2020

“Astig ng pagtanggap nila ng relief goods, oh. Hahaha!” natatawang sabi ni RRM matapos mapanood ang video.

“Iba talaga tayong mga Batangueño. Lalaban tayo kahit na ano pa mang dumating sa atin. Bangon lahi ng magigiting, bangon Batangas barako. Kayang-kaya natin ‘to.” pahayag naman ni GDD.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit 58,000 reactions ang video na in-upload ni Nheil at mayroon na rin itong 50,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…