Manila Cathedral, bukas ang pinto para sa mga nakatakda sanang magpakasal sa Cavite at Batangas

Imahe mula sa Facebook | Myio Okamoto
  • Handa raw tumulong ang Manila Cathedral sa mga nakatakda nang magpakasal ngayong Enero at Pebrero sa Cavite at Batangas
  • Maaari kasing maantala ang kanilang kasal dahil apektad0 ang mga lugar na ito ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal
  • Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang mga nais magpakasal doon na personal na pumunta sa kanilang opisina sa Intramuros, Maynila

Binuksan ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila ang kanilang pintuan para sa mga magkasintahan na nakatakda sanang ikasal sa Cavite at Batangas na pinaka-apektad0 ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Imahe mula sa Twitter | Manila Cathedral

Sa kanilang Twitter, sinabi ng Manila Cathedral na handa silang tumulong sa mga gustong ilipat na lamang sa Manila Cathedral ang kanilang kasal.

“For weddings scheduled in January and February 2020 in Cavite and Batangas area affected by the erupti0n of Taal Volcan0, we are extending assistance to those who wish to transfer their wedding to the Manila Cathedral,” sabi nila.

Pinayuhan nila ang mga nais magpakasal doon na personal na bumisita sa Cathedral para sa proseso. Maaari rin daw silang tumawag sa opisina ng simbahan sa (02) 8527-3093. Bukas ang kanilang opisina Martes hanggang Sabado, 8 a.m. hanggang 5 p.m. at tuwing Linggo, 8 a.m. hanggang 12 nn.

Imahe mula sa Facebook | Myio Okamoto Photography at Warren Garcia

Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media ang larawan ng mga kasal na nagpatuloy pa rin sa kabila ng mataas na usok na inilalabas ng Bulkang Taal noong ika-12 ng Enero. Si Prince Edrian, ibinahagi sa kaniyang Facebook ang video clip ng tinawag niyang “once in a lifetime moment.”

“Grabe ang couple na ‘to. Tuloy pa rin ang pag-ibig kahit masama ang panahon. Salute,” saad niya. Makikita rito ang intimate moment sa pagitan ng bride at groom habang makikita sa background ang makapal at mataas na mga us0k.

Ganito rin ang ibinahaging larawan ni Warren Garcia sa isang kasalan sa Tagaytay. Sa kaniyang kuha naman, ginaganap pa lamang ang kasal. Saksi rin ang kanilang mga panauhin sa makapal na usok na nagmumula sa Bulkang Taal.

“Finding beauty in the middle of cha0s” naman ang ginawang paglalarawan ng Myio Okamoto Photography sa nasaksihang kasalan.

Tanghali ng Enero 12 nang pumut0k ang Taal Volcano na hanggang ngayon ay nag-aalburoto pa rin. Nakataas doon ang Alert Level 4 na nangangahulugang maaaring maganap ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

Loading…