Masipag at Determinado! Dating service crew, isa nang abogado

  • Itinampok ng Twitter page na “Korte Supremo” ang isang lalaking dating service crew at ngayon ay abogado na
  • Siya ay nagngangalang Atty. Howard Chua na nagmula umano sa Benguet
  • Ibinahagi ni Atty. Chua ang kaniyang mga ID na nagpapatunay ng kaniyang matagumpay na kuwento

Ilan sa mga katangiang dapat taglayin ng mga taong nagnanais na maging matagumpay ay ang pagiging masipag at determinado. Mahirap man, kakayanin ang lahat kung pursigido ang isang tao na maiahon ang kaniyang kalagayan sa mabuti at marangal na paraan.

Katulad na lamang ng itinampok ng Twitter page na “Korte Supremo” na dating fast food chain service crew at ngayon ay abogado nang si Atty. Howard Chan na naging patunay nito.

Ayon umano kay Atty. Chan: “From being a McDonald’s crew to being a lawyer. There’s no such thing as a ‘big’ dream because dreams are meant to be big — even bigger than your doubts. My time will come. I am claiming it.”

Imahe mula sa Twitter page na Korte Supremo

Umani naman ito ng paghanga mula sa mga netizens. Sabi ng isa, “Met him thrice. Mabait to explain things. Nakaka–inspire yung kwento niya.”

“Congrats! Happy for your accomplishment. I really wanted to become a lawyer, I hope someday matupad ko ang mga pangarap ko,” turan naman ng isa.

Komento naman ng isa, “Nakakaiyak naman, gustong gusto ko maging lawyer pero kailangan na talaga makapagtapos ng pag–aaral at tumulong sa pamilya. I’m really really happy for him.”

“Nakakabilib naman si Attorney. Mahirap ang maging service crew sa isang fast food chain, lalo na’t kailangang maging masipag at maliksi all the time. Tapos kumuha pa siya ng Abogasya. Siguro nga talagang matalino siya. Anyways, kudos sa iyo Atty. Howard Chan!” reaksyon naman ng isa.

Imahe mula sa Twitter page na Korte Supremo

Ang abogado, manananggol o tagapagsanggalang (sa wikang Ingles ay lawyer o attorney) ay isang taong lisensyado na may karapatang magbigay ng payong legal, kumatawan sa isang kliyente sa loob ng hukuman o korte. at upang maisakatuparan ang batas.

Pagbati sa iyo, Atty. Howard Chua! Sana ay patuloy kang maging inspirasyon sa lahat!

Loading…