Maynila, ika-walo sa world’s most dynamic cities

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office
  • Pang-walo ang Maynila sa listahan ng most dynamic cities in the world para sa taong 2020
  • Mas mataas ito kumpara noong isang taon nang makuha ng lungsod ang ika-12 puwesto
  • Karamihan naman sa mga lungsod na pumasok sa Top 20 ay mula sa bansang India

Pang-walo na ang Lungsod ng Maynila sa listahan ng most dynamic cities in the world, ayon sa survey na ginawa ng JLL, isang real estate at investment management services firm.

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office

Mas mataas ang puwesto ng Maynila ngayong taon kumpara sa pagiging ika-12 nito noong 2019 at ika-18 noong 2018.

Inalam daw ng JLL’s City Momentum Index 2020 ang mga pinaka-dynamic na lungsod gamit ang real estate perspective.

“In its seventh edition, the annual Index combines socio-economic and commercial property metrics to provide fresh insights into the rapidly evolving geography of business activity, covering 130 major established and emerging business hubs across the globe,” anila.

Ang Maynila raw ang ikatlong lungsod sa Southeast Asia na nakapasok sa Global Top 20.

“Advantageous demographics, a robust domestic economy and a skilled talent base are supporting a dynamic real estate market. Business Processing Outsourcing (BPO) is driving office net absorption, as the sector moves into higher-value activities such as animation, gaming and healthcare,” paliwanag nila.

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office

Samantala, kahit mabagal daw ang pag-angat ng ekonomiya, India naman ang nangunguna sa listahan, kung saan may pitong mga lungsod na nakasama sa Top 20. Ang Hyderabad na kinilala bilang world’s most dynamic city. Sumunod dito ang nanguna noong isang taon na Bengaluru. Kasama rin sa listahan ang Chennai (panglima), Delhi (pang-anim), Pune (pang-12), Kolkata (pang-16), at Mumbai (pang-20).

Sa China, lima naman ang nakapasok sa listahan. Shenzhen (10th), Chongqing (11th), Wuhan (13th), Hangzhou (15th), at Shanghai (17th). Gayunman ngayong taon daw ang pinakamahina ang China simula nang simulan ng JLL ang Index noong 2014.

“Our Index also highlights emerging cities that are embracing and adapting to the innovation economy …and which are rising above the parapet and displaying strong dynamism,” sabi nila. “But these fast-paced cities in emerging markets are also facing some of the greatest challenges associated with rapid urban growth, like environmental degradation, congestion, overcrowding, social inequality, homelessness, security, and affordability.”

Source :

JLL

Loading…