Maynilad tumugon sa pangangailangan sa tubig ng mga evacuees, 10 water tanks itatayo sa evacuation centers

  • Isa ang Maynilad Water Services, Inc. sa maraming nagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng Taal
  • Magtatayo ang Maynilad ng sampung static water tanks sa mga evacuation centers sa Cavite at Batangas
  • Bukod sa water tanks ay magkakaloob din ng bottled water at iba pang relief goods ang Maynilad

Bukod sa masustansyang pagkain ay tubig ang hinihiling ng mga residente mula sa ilang bayan ng Batangas na lubos na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. Hindi na umano umaabot sa kanila ang suplay ng tubig.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Sa katunayan, maraming residente ang naglalabas ng mga drum at balde sa kalsada upang manghingi ng tubig sa mga nagdaraang motorista. Bukod sa tubig na inumin ay kailangan din ng mga evacuees ng tubig para sa pagluluto at paliligo.

Isa ang Maynilad Water Services, Inc. sa mga tumugon sa panawagan ng mga evacuees.

Ang water concessionaire ay maglalagay ng sampung static water tanks sa evacuation centers sa Batangas at Cavite kung saan pansamantalang nagkakanlong ang mga residenteng lumikas dahil sa pag-aalburuto ng Taal.

“Maynilad wants to lend its help in the nationwide effort to support our kababayans in their time of need. Since one of the immediate needs of disaster survivors is water, this is what we are providing heavily at this time,” pahayag ni Maynilad President Ramoncito Fernandez.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Ani Fernandez, kaisa ng lahat ang Maynilad sa pananalangin na tuluyan nang kumalma ang bulkan upang matapos na ang trahedya sa lalong madaling panahon.

“We are one with the nation in praying that this disaster will soon cease,” aniya.

Magkakaloob din ang Maynilad ng bottled water at iba pang relief goods para sa mga evacuees sa mga nabanggit na lugar.

Ang pamamahagi ng tulong ng Maynilad ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan sa Philippine Disaster Resilience Foundation, Alagang Kapatid Foundation, Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development, at sa mga lokal na pamahalaan ng Cavite at Batangas.

Imahe mula sa Maynilad Water Services, Inc.

Loading…