Mayor Isko pinabaklas ang mga “epal” posters ng mga politiko sa ruta ng Traslacion ng Itim na Nazareno

  • Mga epal posters na may mukha at pangalan ng mga politiko sa ruta ng Traslacion pinabaklas ni Mayor Isko
  • Ituturing na basura at obstruksyon ang mga epal posters, babala ni Yorme
  • Ang Itim na Nazareno ay idadaan sa Ayala Bridge sa halip na sa Jones Bridge

Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbaklas sa mga tinatawag na “epal” posters o mga printed greetings sa tarpaulin at banners na may mukha at pangalan ng mga politiko para sa Pista ng Itim na Nazareno

Imahe mula sa Manila PIO

Anang alkalde, itinuturing na mga obstruksyon ang mga epal posters na isasabit ng mga politiko sa ruta ng Traslacion ng Black Nazarene.

“All your greetings will be considered obstructions. We will tear it down. Walang eepal,” babala ni Yorme.

Nanawagan siya na sana ay gawing taimtim ang paggunita sa Traslacion ng Itim na Nazareno at iwasan ang pagiging oportunista.

“Let’s make this solemn, this is not about opportunity,” aniya.

Agad namang sumunod ang ilang barangay sa utos ni Mayor Isko. Maging ang isang tarpaulin ng pagbati sa nakaraang kaarawan ng alkalde na nakasabit pa rin sa harapan ng Quinta Market & Fishport ay pinabaklas din.

Imahe mula sa Manila PIO

Samantala, tinatayang anim na milyong deboto ang lalahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno mula sa Quirino Grandstand hanggang makabalik ito sa Quiapo Church.

Mas maiksi ang ruta ng prusisyon ngayon kumpara sa mga nagdaang taon na inaabot ng mahigit dalawampung oras. Ngayong taon, inaasahang aabutin lang ng hanggang 15 hours ang prusisyon.

Imahe mula sa Manila PIO

Sa bagong ruta ng Traslacion, ang imahen ng Itim na Nazareno ay sa Ayala Bridge na idaraan sa halip na sa Jones Bridge.

Mahigpit ring ipatutupad ng pulisya ang “zero-vendor policy” ni Mayor Isko sa buong Quiapo.

“Walang kahit isa na maaaring magtinda sa daraanan ng prusisyon, dadamputin sila ng pulis,” ani Lieutenant Colonel Reynaldo Magdaluyo, commander of Manila Police District Station 3.

Ayala Bridge/Jones Bridge
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…