Megan Young at Mikael Daez kasal na; Netizens nagulat na lamang sa kanilang wedding photos

  • Noon pa man ay malihim na sa publiko sina Megan Young at Mikael Daez ukol  sa kanilang relasyon
  • Ang halos siyam na taong relasyon ay noon lamang 2017 nila isinapubliko
  • At ngayon nga ay ginulat nila ang mga netizens sa kanilang wedding photos sa social media

Ginulat nina 2013 Miss Universe Megan Young at aktor na si Mikael Daez ang kanilang mga fans at netizen sa mga wedding post nila sa kani-kanilang social media accounts.

“Megan Young-Daez & Mikael Daez-Young,” ang caption ni Megan sa wedding photos na ipinaskil niya sa social media.

Imahe mula sa Facebook page ni Megan Young

“Hello to Megan Young-Daez and it’s time for me to get used to Mikael Daez-Young,” ang caption naman ni Mikael sa wedding photos na ipinaskil nito sa sariling social media account.

Maraming netizens ang hindi makapaniwala na kasal na nga ang dalawa batay na rin sa mga komento nila sa mga larawan ng bagong mag-asawa.

Marami rin ang nagpahayag ng kagalakan para sa dalawa na halos siyam na taon ding naging magkasintahan.

“OMG! For real? If it so, I’m so happy for you both,” komento ng isang netizen.

“Totoo ba ito? Congrats to both of you guys! Pareho ko kayong idol,” komento pa ng isa.

“A simple wedding. Love it! Congrats! Been waiting for this to happen. Next is the baby woah!” masayang komento ng isa.

 Ang relasyon nina Mikael at Megan ay lalong pinagtibay ng kanilang mga paglalakbay sa loob at labas ng bansa at ng kanilang paglalaro ng video games.

Bagamat halos 9 na taon na ang kanilang relasyon, noong 2017 lamang naging bukas sa publiko ang relasyon nina Megan at Mikael.

Sa isang report ng GMA News, nagdesisyon daw ang dalawa na gawing pribado ang kanilang relasyon dahil na rin sa kani-kanilang obligasyon sa trabaho.

Imahe mula sa Facebook page ni Mikael Daez

Nasanay na rin daw ang dalawa na hindi nila gaanong ibinabahagi sa publiko ang estado ng kanilang relasyon.

Ang kanilang bonding bilang magkasintahan ay nagsimula sa mga date nights hanggang sa nakahiligan na nila ang paglalaro ng mga video games nang magkasama.

Loading…