Mensahe ni Toni Gonzaga sa kanyang kaarawan: “Age gave me gifts that youth could never give me”

  • Nag-iwan ng mensahe ang host at actress na si Toni Gonzaga para sa kanyang kaarawan
  • Ayon sa kanya, ang pagkakaroon niya raw ng edad ang nagbigay sa kanya ng mga regalong hindi naibigay sa kanya ng kanyang kabataan
  • May kwela namang mensahe ang kapatid niyang si Alex para sa kanyang ate Toni na 36 anyos na

Maliban sa kanyang pagiging mahusay na host, actress, at performer, kilala rin ang ultimate multimedia superstar na si Toni Gonzaga sa kanyang words of wisdom na madalas niyang ibahagi sa kanyang vlog, social media accounts, at sa ilang TV guestings.

At sa kanyang pagdiriwang ng ika-36 na kaarawan, ibinahagi ni Toni ang kanyang nararamdaman ngayong nadagdagan na naman siya ng panibagong taon sa kanyang buhay.

Ayon sa Instagram post niya, masaya raw siya na marating ang edad ng maturity dahil dito raw niya napagtanto na mas nagiging mabuti siyang tao dahil sa mga natutunan niya sa kanyang mga pinagdaanan.

Larawan mula sa Instagram account ni Toni Gonzaga

“Age gave me gifts that youth could never give me… I was so in love with who I was, they were not merely as good as who I am now… I like me now… I appreciate what life has taught me,” pahayag ni Toni sa kanyang Instagram post na umabot na sa halos 300,000 ang likes.

Nagpasalamat din si Toni sa mga taong nakaalala ng kanyang kaarawan at sa Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng panibagong taon upang maging ina sa anak na si Seve, maging asawa kay Direk Paul Soriano, at makasama pa ang kanyang mga kapamilya.

Hindi rin naman nagpahuli ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga sa pagbibigay ng mensahe sa kanyang ate. Siyempre, hindi nawala ang pakwela ng sikat na vlogger at TV personality sa kanyang naging pagbati sa kapatid na itinuturing niya ring best friend.

“Happy birthday ate. I can’t wait to talk to you about wifey duties because you are a good one! I love you but not as much as I love Seve and Mikee. Joke!” sabi ni Alex sa kanyang post na mayroon lang namang 448,000 likes.

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Ang kaarawan ni Toni ay marka rin ng anibersaryo niya bilang isang vlogger. Matatandaang noong 2019, sa kanyang kaarawan ay inanunsiyo ni Toni na mag-uumpisa na rin siya ng YouTube channel kung saan mas makikita ng kanyang fans ang kanyang inspiring na buhay hindi bilang isang TV at movie icon, kung hindi bilang isang maybahay at first time mom.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.28 million subscribers si Toni matapos ang isang taon. Halos lahat din ng kanyang 16 na video sa vlog niya ay nagkaroon ng milyong views.

Loading…