Metro Manila, pangalawa sa ‘world’s most traffic congested city’

Imahe mula sa Unsplash
  • Pumangalawa ang Metro Manila sa may pinakamatinding traffic congesti0n sa mundo sa listahan na inilabas ng location technology specialist na TomTom
  • Nanguna rito ang Bengaluru sa India
  • Ayon sa TomTom, bagama’t tanda ng malakas na ekonomiya ang masikip na trapiko ay bilyon ang nawawala dahil dito

Pangalawa ang Metro Manila sa listahan ng may pinakamatinding traffic congestion sa mundo, ayon sa location technology specialist na TomTom.

Imahe mula sa Unsplash

Nakuha ng TomTom Traffic Index 2019 ang congestion level ng 416 na mga lungsod mula sa 57 na mga bansa sa pamamagitan ng pagsukat kung gaano kahaba ang dagdag na oras ng biyahe kumpara sa baseline uncongested conditions.

“We calculate the baseline per city by analyzing free-flow travel times of all vehicles on the entire road network – recorded 24/7, 365 days a year. This information allows us to also calculate, for example, how much extra time a driver will spend in traffic during rush hour in Bangkok,” ayon sa TomTom.

Nanguna sa listahan ang Bengaluru sa India kung saan 71 percent na extra travel time daw ang kailangang ilaan sa masikip na trapiko. Sumunod dito ang Maynila (71 percent), Bogota sa Colombia (68 percent), Mumbai, ang pinaka-congested na lungsod noong isang taon (65 percent), at Pune sa India (59 percent).

Imahe mula sa Unsplash

Ayon sa mga ulat, hindi ito ang unang pagkakataon na napabilang ang Metro Manila sa listahan ng may pinakamasikip na trapiko sa mundo. Noong 2018, kasama rin ang Metro Manila sa most congested city in developing Asia na inilabas ng Asian Development Bank.

Tumaas ang traffic congestion sa buong mundo sa nakalipas na dekada, ayon sa TomTom.

“This global increase in congestion, despite being an indicator of a strong economy, is understood to cost economies billions,” anila.

Sabi pa ng TomTom, Biyernes, mula 6 p.m. hanggang 7 p.m. ang pinakamatinding rush hour. Mahaba-habang oras din umano ang nasasayang sa rush hour. Sa umaga, ang 30 minutong biyahe ay nadadagdagan ng 29 minuto at 38 minuto naman ang nadadagdag sa gabi.

Loading…