Metropolitan Theater, planong muling buksan sa May 2020

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office | Faye Orellana
  • Mayo 2020 ang tentative na petsa ng muling pagbubukas ng Manila Metropolitan Theater
  • Kamakailan lamang ay nagsagawa ng inspeksyon si Manila Mayor Isko Moreno sa MET
  • Nagbahagi ang Manila Public Information Office ng mga larawan na nagpapakita ng pasilip habang patuloy na isinasailalim sa rehabilitation ang teatro

Planong muling buksan ang Manila Metropolitan Theater ngayong Mayo 2020, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office | Faye Orellana

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, kinumpirma ni Moreno na plano nilang buksan ito apat na buwan mula ngayon. “The tentative opening is on May. We are bringing back one of the lost jewels in Manila,” sabi ni Isko sa kanila.

Kamakailan lamang ay ininspeksyon ni Moreno ang isinasagawang restoration sa Metropolitan Theater kasama si National Historical Commission of the Philippines (NHCP) chair Dr. Rene R. Escalante.

Ibinagi ng Manila Public Information Office sa kanilang Facebook page ang mga larawan na magpapakita ng pasilip sa restoration nito. Makikita rito ang bagong pinturang teatro at mga upuan na naka-plastic pa.

Sa ulat ng GMA News, sinabi umano ni Escalante na magkakaroon ng souvenir shop at cafeteria sa ground floor ng gusali. Lalagyan naman daw ng mall at museo ang ikalawang palapag ng MET.

Imahe mula sa Facebook | Manila Public Information Office | Faye Orellana

Ang MET, kilala bilang “Grand Old Dame of Manila,” ay isa sa mga pinakamatandang teatro sa bansa at isa sa mga natitirang art deco buildings. Naging saksi ito sa mga concert at play simula nang buksan ito noong taong 1931. Subalit minsan din itong tinuluyan ng mga illegal settlers.

Taong 2015 nang bilhin ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang MET mula sa Government Service Insurance System. Sinimulan ng NCCA ang renovation nito noon.

Samantala, pinakausapan ni Moreno ang NCCA noong isang taon na ibalik na lamang sa local government ng Maynila ang MET. “Kung hindi ninyo rin naman kayang ayusin, i-maintain, ibigay ninyo na lang sa amin, ime-maintain namin,” sabi niya noon.

Loading…