Mga bakwit, nagdaos ng Miss Gay Evacuee 2020

Imahe mula sa Facebook | Renz Magno
  • Napalitan ng mga ngiti ang pangamba ng mga residente na nananatili sa evacuation center sa Balayan, Batangas
  • Nagdaos kasi ng Miss Gay Evacuee 2020 pageant doon kung saan suot ng mga kalahok ang mga damit at kumot mula sa donasyon
  • Bukod dito, ginanap din ang isang videoke contest

Sa kabila ng mahigit isang linggo nang pamamalagi sa mga evacuation center dahil sa pinangangambahang pagsab0g pa ng Bulkang Taal, hindi nakalimutan ng mga bakwit na magkaroon ng kaunting kasiyahan.

Imahe mula sa Facebook | Renz Magno

Sa tulong ng mga volunteers, napalitan sandali ng mga ngiti ang pangamba ng mga evacuees sa kinakaharap na matinding pagsubok dahil sa pagdaraos ng Miss Gay Evacuee 2020 sa Balayan, Batangas.

Sabi ni Rexell Dellosa sa One News PH, ginawa raw nila ito dahil alam nilang hindi sapat ang pag-aabot nila ng pagkain at mga damit upang mapanatag ang loob ng mga kababayan.

“Layunin ng grupo namin na kahit sa anong paraan, maibsan ang kanilang kalungkutan. Napansin kasi namin na kapag tapos na namin silang pakainin ng dinner, tulog na agad sila at minsan may nakikita kaming nakaupo lang sa sulok, palaging tulala at malalim ang iniisip,” sabi ni Dellosa na nagsilbing host ng pageant.

Kaniya-kaniyang diskarte ang mga kalahok kung paano nila gagamitin ang damit at kumot na galing sa mga donasyon bilang kanilang gown. “Alam naman po natin na kapag [galing sa] LGBT group, sila po ang nakakapagpaalis ng problems. Nakakapag-entertain sila sa lahat,” sabi pa ni Dellosa.

Bukod dito, nagkaroon din ng videoke contest kung saan marami ang nagpakita ng kanilang talento sa pag-awit.

Imahe mula sa Facebook | Renz Magno

Nanghingi raw ng tulong si Dellosa sa kaniyang mga staff sa Rex Cater at sa mga miyembro ng Youth for Christ para maging matagumpay ang mga patimpalak. Ang cash prizes na kanilang ipinamigay, galing naman daw sa iba’t ibang mga donors.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa evacuation centers and mga residenteng nasa danger zone dahil nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal na nangangahulugang maaaring maganap ang hazard0us expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

Loading…