Mga Chinese, namimigay ng libreng face masks sa gitna ng ubusan ng supply nito

Imahe mula sa Facebook | Precious Ann Patino at Rhyan Nico Baluyot
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang larawan ng mga Chinese na namimigay ng libreng face masks sa mga Pilipino
  • Nagkaubusan na naman kasi ng supply ng face masks nang makumpirma ang unang kas0 ng 2019 novel coronavirus sa bansa
  • Nagpakita pa rin ng kabutihan ang mga Chinese kahit maraming nagkalat na posts sa social media na naglalabas ng sama ng loob sa kanila

Matapos makumpirma ang unang kas0 ng 2019 novel coronavirus (nCoV) sa Pilipinas ay muling nag-unahan ang mga Pilipino sa pagbili ng mga face masks. Dahil dito ay nagkaubusan na naman ng supply nito lalo na sa Maynila, kung saan naka-admit ngayon ang 38 anyos na babae na nagpositibo sa nCoV.

Imahe mula sa Facebook | Precious Ann Patino

Kaya naman pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga Chinese na namimigay ng libreng surgical masks para sa mga Pilipino. Ito ay kahit maraming kumakalat na posts ngayon sa social media na naglalabas ng kanilang sama ng loob sa mga Chinese dahil sa Wuhan nagsimula ang 2019 nCoV.

Ibinahagi ng netizen na si Precious Ann Patino ang nakita niyang dalawang Intsik na nag-aabot ng mga face mask sa Makati.

“‘Di ko masyadong nabasa yung naka-flash doon sa cellphone ng naka-black na Chinese pero parang may nakalagay yata doon na ‘hug,’ the yung naka-white, siya ang may hawak ng mask. Siya ang nag-aabot,” kuwento niya sa post.

Sabi niya, sana raw ay kunin na lang ng mga dumaraan doon ang mga ito dahil tila ito raw ang naging paraan nila upang makabawi sa mga Pilipinong may sama ng loob sa kanila.

“Tanggapin ninyo na lang po yung offer nila na mask. Sa ganiyang paraan na lang sila bumabawi sa mga sama ng loob sa kanila at para makatulong na rin sila.

Imahe mula sa Facebook | Rhyan Nico Baluyot

Sa Maynila, ganito rin ang eksena. May mga Chinese na namimigay ng kahon-kahong mga mask. Ibinahagi ito ni Rhyan Nico Baluyot sa Facebook at sinabing “Mismong mga Chinese ang namimigay ng mask para sa kapwa natin Pilipino. Spread love, guys. Magtulungan tayo,” sabi niya.

Panalangin naman ang panawagan ni Precious sa panahong ito. “Keep on praying, guys. Masyado nang maraming nangyayari ngayon para sabayan pa natin ng galit. Tulungan na lang,” sabi niya.

Loading…