Mga doktor, nagbabala laban sa paggamit ng contact lenses habang nararanasan ang ashfall

Imahe mula sa Twitter | Philippine Cornea Society
  • Pinayuhan ng Departement of Health at Philippine Cornea Society ang mga apektado ng ashfall dala ng Taal Volcano na ‘wag na munang magsuot ng contact lenses
  • Ito raw ay dahil maaaring dumikit dito ang mga abo
  • ‘Wag din daw munang lalabas ng bahay at kung di maiiwasan ay magsuot ng goggles o eyeglasses

Hindi lang mga N95 masks ang kakailanganing proteksyon sa nararanasang ashfall dala ng pag-aalburoto ng Taal Volcano. Nagpaalala ang Department of Health (DOH) at Philippine Cornea Society (PCS) sa mga hakbang na dapat gawin upang mapangalagaan ang mga mata mula sa mga abo lalo na at umabot na ito sa ilang parte ng Metro Manila at maging sa Region III.

Imahe mula sa Unsplash

Una na rito ay ang paghinto muna ng paggamit ng contact lenses dahil maaari raw dumikit dito ang mga abo. Pinayuhan din ang mga apektadong residente na iwasan munang lumabas sa kanilang bahay hangga’t maaari.

“Prevention is better than cure,” sabi nila. Ngunit kung hindi ito maiiwasan, magsuot daw ng goggles o eye glasses upang maprotektahan ang mga mata.

Hindi rin daw dapat tumingala upang panoorin ang pagbagsak ng ashfall. “It is not snow. Ash will hurt your eyes,” sabi pa ng PCS.

Kung sakali naman na mapasukan ng abo ang mga mata, gumamit daw ng eye lubricant upang matanggal ito o kaya naman ay gumamit ng malinis na running water sa loob ng 5 hanggang 10 minuto upang matanggal ang mga ito. “Rubbing will cause the particle to scratch your eye,” sabi pa nito.

Imahe mula sa Twitter | Philippine Cornea Society

Ilan sa mga senyales ng epekto ng ashfall sa mata ay ang pamumula, pangangati, foreign body sensation, burning sensation, dry eyes, at ash particles sa mata. “See an eye doctor if your eye becomes red, painful, or if your vision becomes poorer. Corneal abrasions and infections can be sight-threatening,” ayon sa PCS.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 na ang Taal Volcano na nangangahulugang  posibleng mangyari ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw. Inililikas na rin ang mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Loading…