Mga magkakaibigang senior citizen, nagkita-kita at sinariwa ang mga alaalang magkakasama sa Harrison Plaza

  • Muling nagkita-kita ang isang grupo ng mga senior citizens sa Harrison Plaza
  • Sinariwa nila ang mga panahong nabuo ang kanilang pagkakaibigan sa naturang pasarang pasyalan
  • Marami sa mga netizens ang nagbahagi rin ng kanilang kuwento at karanasan sa naturang mall

Kung ang pagdating ng taong 2020 ay pagbubukas ng mas masayang taon para sa lahat, ito naman ay hudyat ng pagpipinid ng mga pintuan ng mall na “Harrison Plaza” sa Maynila bagay na ikinalungkot ng lahat ng mga taong minsan nang nagkaroon ng magagandang alaala rito.

Tulad na lamang ng isang grupo ng mga senior citizens na nabuo na ang pagkakaibigan sa loob ng Harrison Plaza na magsasara na dahil sa pagpapalit ng management nito, sa loob ng 43 taon. Malungkot sila dahil wala na raw silang matatambayang lugar na maaari silang magkatipon–tipon tulad na lamang sa HP na malaya silang nakapaghuhuntahan.

Imahe mula sa Facebook page ng Manila Bulletin

Komento tuloy ng isang netizen, kahit na mawawala na ang HP, huwag naman daw sanang mawala ang pagkakaibigan nila.

“Seriously folks as sad as it is – can’t you guys just rotate going to each other’s house to continue the friendship of find a common area location- please continue the friendship. I know it’s sad but trust me – it will be sadder if you guys don’t hang out together,” payo niya.

Bukod sa mga senior citizens na ito, naging sentimental at emosyonal din ang mga netizens sa pananariwa sa magagandang alaalang kaugnay ng mall. Maraming nagsalaysay na dahil sa mall na ito, nakilala nila ang kanilang mga kasintahan na asawa na ngayon. Ang iba naman, dito raw sila unang nagtrabaho. Dito raw sila kumain ng kanilang pamilya noong sila ay nagtapos sa pag–aaral, at marami pang ibang mga anekdota.

Kuwento ng isang netizen, “I remembered this place when my cousin and I got lost here. I was just 2 years old. I always shopped here. I got the chance to visit it for the last time before it closes today.”

“My tambayan has been Harrison Plaza for almost 4 years. During my son’s college days in DLSU, I remember the 10 noodle–resto inside the mall, the best ‘Pad Thai’ ever, sarap talaga, thanks HP for all the memories,” saad naman ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “Harrison Plaza will always be my best pasyalan when I was younger. My husband and I used to date there. We had memories there and so sad it ends today.”

Ang Harrison Plaza ay kauna–unahang mall sa Pilipinas na airconditioned at moderno.

Loading…