Mga nakatakdang kasal hindi napigilan ng nag-aalburotong Bulkang Taal

Imahe mula sa Facebook | Myio Okamoto Photography at Warren Garcia
  • Sa kabila ng naganap na phreatic erupti0n sa Taal Volcano ay hindi napigil ang kasal ng ilang mga magkasintahan
  • Pinag-usapan ang kanilang mga kasal sa social media
  • Sa kasalukuyan ay ipinatutupad na ang evacuation para siguraduhin ang kaligtasan ng mga residente

Once in a lifetime moment para sa iba ang kasal kaya naman kadalasang umaabot hanggang isang taon ang ginagawang preparasyon upang masiguradong magiging maayos at maganda ang espesyal na araw ng pag-iisang dibdib nila.

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Dahil dito, walang nakapigil sa ilang magkakapares na ituloy ang kanilang kasal sa kabila ng nangyaring pagsabog ng bulkang Taal noong Linggo ng tanghali. Ibinahagi pa nga ng mga photographer at videographer ang kani-kaniya nilang kuha sa mga kasal na hindi napigil ng pag-aalburoto ng bulkan.

Si Prince Edrian, ibinahagi sa kaniyang Facebook ang video clip ng tinawag niyang “once in a lifetime moment.” “Grabe ang couple na ‘to. Tuloy pa rin ang pag-ibig kahit masama ang panahon. Salute!” Makikita rito ang intimate moment sa pagitan ng bride at groom habang makikita sa background ang makapal at mataas na mga usok.

Ganito rin ang ibinahaging scenario ni Warren Garcia sa isang kasalan sa Tagaytay. Sa kaniyang kuha naman ay ginaganap pa lamang ang kasal. Saksi rin ang kanilang mg panauhin sa makapal na usok na nagmumula sa bulkan. Sa kasalukuyan ay may 2.8k reactions at 1.5k shares na ang kaniyang post.

Imahe mula sa Facebook | Myio Okamoto

“Finding beauty in the middle of chaos” naman ang ginawang paglalarawan ng Myio Okamoto Photography sa kinover nilang kasalan. Libu-libo na rin ang reactions dito.

Samantala, ipinag-utos na ni Pang. Rodrigo Duterte na siguraduhin ng mga awtoridad na maililikas ang mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng bulkan. “President Rodrigo Roa Duterte has already given instructions to undertake measures necessary to place the people within the perimeter of Taal out of the danger zone,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Kasalukuyang nasa Alert Level 4 na ang bulkang Taal na nangangahulugang  posibleng mangyari ang hazardous expl0sive erupti0n sa loob ng ilang oras o araw.

Source :

Facebook, Facebook, Facebook

Loading…