Mga pasahero ng Angkas, kailangan nang maglagay ng timbang bago makapag-book ng biyahe gamit ang app

  • Kinakailangan na ngayong ilagay ng mga pasahero ang kanilang timbang bago sila makapag-book ng biyahe sa mobile app ng Angkas
  • Ayon sa ride-hailing firm, paraan nila ito para siguruhin ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero sa biyahe
  • Sinusunod lang din umano nila ang panibagong motorcycle safety requirements ng pamahalaan kung saan kinakailangang i-tugma ang timbang ng pasahero sa laki o liit ng motorsiklo na kanilang sasakyan

Marami sa mga pasahero ng motorcycle ride-hailing firm na Angkas ang nagtaka sa bagong impormasyon na hinihingi ng kompanya bago sila makapag-book ng sasakyan gamit ang app ng Angkas.

Imahe mula sa Angkas app

Sa update ng motorcycle-ride hailing app na Angkas, kinakailangan na ngayong ilagay ng mga bago at kasalukuyang pasahero ng Angkas ang kanilang “weight range” bago sila makapag-book ng ride gamit ang mobile app.

Ayon sa kompanya, paraan ito para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga mananakay.

Sinusunod lang din umano nila ang panibagong motorcycle safety requirements ng pamahalaan.

“Government guidelines on motorcycle safety requires us to ensure small bikers with small bikes are not paired with passengers they may not able to ferry,” ayon sa Angkas.

Maliban sa pick-up at drop-off locations, itutugma ng kompanya ang timbang ng pasahero sa laki o liit ng motosiklo na kanilang maaaring sakyan.

Imahe mula sa Angkas app

Paliwanag pa ng Angkas: “We don’t judge, we just want to ensure the safety of both you and our bikers.”

Maliban sa pagkuha ng timbang, nagbigay rin ng paalala ang Angkas tungkol sa iba pa nilang safety guidelines para sa kanilang mga pasahero.

Hindi nila hinihikayat na sumakay ng motorsiklo ang mga buntis at mga pasaherong nakainom.

Pinaaalalahanan din nila ang ito na huwag sumakay ng motor nang nakatsinelas at huwag gumamit ng cellphone habang umaandar ang motorsiklong kanilang sinasakyan. Ang pagsunod kasi ay para rin sa kanilang sariling kaligtasan.

Imahe mula sa Angkas app

Loading…