Mga Pilipino sa China na nais bumalik sa bansa, isasailalim sa 2 linggong quarantine

Imahe mula sa Pixabay
  • Sagot daw ng gobyerno ang dalawang linggong quarantine para sa mga Pilipino na nagnanais bumalik sa Pilipinas mula sa China
  • Ito ay bilang bahagi ng pag-iingat sa novel coronavirus
  • Wala pang kumpirmadong kas0 sa Pilipinas, may 24 nang mga persons under investigation o PUI

Sasagutin daw ng gobyerno ang pagsasailalim sa dalawang linggong quarantine sa mga Pilipino na nasa China na nais bumalik sa Pilipinas. Ito ay bilang bahagi ng pag-iingat sa novel coronavirus.

Imahe mula sa Pixabay

Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, oobserbahan ang mga Pilipino na gustong umuwi sa bansa ngayong mataas pa ang banta ng 2019nCoV. “We are now arranging one place where we can quarantine all of them for case management rather than assigning them to different facilities,” sabi ni Duque, ayon sa GMA News.

Pagtitiyak niya, sasagutin ng gobyerno ang lahat ng gastusin para rito. “We will have to spend for that, certainly. As part of the quarantine measure, we will have to sustain them within the 14 days that they are isolated,” sabi ni Duque. Sa ngayon daw ay hindi pa raw sigurado kung magkano ang budget na ilalaan para rito dahil ang pangunahing concern ngayon ay ang kaligtasan ng mga Pinoy.

“We’ll talk about budgetary matters later,” sabi ni Duque.

Imahe mula sa Pixabay

Samantala, sinigurado naman ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na nakipag-usap na sila sa Chinese government upang maiuwi ang mga Pilipino sa Wuhan, sentro ng 2019nCoV.

“They have assured us that they are ready to address all of the concerns that any Filipino may have in that area, including the need to repatriate if they do wish to come home,” sabi ni Dulay.

Bagama’t wala pang kumpirmadong kaso sa Pilipinas, may 24 nang mga persons under investigation o PUI, at 18 sa mga ito ay nasa mga 0spital sa Metro Manila. Ang ilan pa ay nasa Mimaropa, Visayas, at Northern Mindanao naman. Hinihintay pa raw nila ang resulta ng mga tests mula sa Research Institute for Tropical Medicine at Victorian Infecti0us Disease Reference Laboratory sa Australia.

Ang misteryosong sakit na 2019nCoV ay maaaring magdulot ng mala-pneum0nia na acute respirat0ry infecti0n. Umabot na sa 106 ang mga taong pumanaw mula sa sakit na ito sa China at nasa 4,000 na ang kas0 nito na naitatala sa buong mundo.

Source :

ABS-CBN

Loading…