Mga Pinoy, nag-ambagan para sa tatlong kapwa OFW na uuwing walang-wala

Imahe mula sa video ni Baling Jacinto Paulino via Facebook
  • Hindi nagdalawang-isip ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-stop over sa Bahrain na tulungan ang tatlong kapwa OFW
  • Kuwento nila, na-set up sila at nakul0ng sa loob ng mahigit isang taon
  • Upang hindi sila umuwing walang wala ay nag-ambagan ang mga OFW at nakalikom sila ng P60k sa kabuuan

Nag-ambangan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa airport sa Bahrain para sa tatlong kapwa OFW na uuwi sa Pilipinas nang walang-wala.

Imahe mula sa video ni Baling Jacinto Paulino via Facebook

Sa post ng netizen na si Baling Jacinto Paulino, sinabi niyang nag-stop over sila sa Bahrain nang makilala nila ang tatlong kapwa Pilipino. Kuwento nila, na-set up at nakulong daw sila sa Saudi sa loob ng 1 taon at 3 linggo. Kahit pauwi na ng bansa ay nalungk0t sila dahil walang-wala ang mga ito at ang suot pa ay pris0n clothes.

“Ang pagiging isang Good Samaritan ay walang pinipiling oras at lugar. Hindi namin lubos maisip na sa pag stop over namin sa Bahrain ay mayroon kaming matutulungan na kapwa OFW. Sila ay naset-up sa Saudi at nakul0ng sa loob ng 1 year at 3 weeks,” sabi niya sa post na ngayon ay may 18k reactions at 29k shares na.

Kusang-loob na nag-ambagan ang mga OFW sa airport at sa loob lamang ng ilang minuto ay nakalikom sila ng P30,000 para kina Ramil Rufila, Jefferyl Gamponia, at Ervin Fernandez na mga taga La Union, Ilocos, at South Cotabato raw. Maririnig sa video na nagpalakpakan ang mga nasa airport matapos makakolekta para sa tatlo.

I-click ang imahe para makita ang post

Naging emosy0nal naman ang tatlo habang nagpapasalamat sa lahat ng mga nag-abot ng tulong sa kanila kahit hindi sila magkakakilala.

Habang nasa himpapawid daw ay nakakolekta pa sila ng karagdagang P30,000 kaya naman sa kabuuan ay P60,000 ang napag-ambagan nila. May mga nagbigay rin daw ng mga tsokolate sa kanila.

“Sobrang sarap sa pakiramdam na ang laking bagay ng ginawa namin para makatulong sa kanilang tatlo,” sabi ni Paulino.

Samantala, panawagan naman ni Paulino, sana raw ay tulungan ang tatlong OFW na makadulog sa programa ni Raffy Tulfo nang sa gayon ay matulungan ang tatlo.

Source :

Facebook

Loading…