‘I wish I had more time to get to know you’: Miss U 2019 Zozibini Tunzi, may birthday message para kay Catriona Gray

Imahe mula sa Instagram | Zozibini Tunzi at Catriona Gray
  • Hindi nakalimutang batiin ni Miss Universe 2019 si Catriona Gray na nagdiwang ng kaarawan kamakailan
  • Sana raw ay nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makilala si Catriona
  • Kahit ilang ulit pa lamang daw silang nagtatagpo ay ramdam niya ang kabutihan ng Miss Universe 2018 na si Catriona

Kahit abala na sa kaniyang mga responsibilidad bilang Miss Universe 2019 ay hindi nakalimutang batiin ni Zozibini Tunzi ang kaniyang predecessor na si Catriona Gray sa kaniyang kaarawan.

Imahe mula sa Instagram | Zozibini Tunzi

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ng reigning Miss Universe na sana raw ay nagkaroon siya ng mas mahabang panahon para makilala pa si Catriona dahil kahit ilang ulit pa lamang daw silang nagkatagpo ay ramdam na niya ang kabutihan nito.

“My dearest @catriona_gray, I wish I had more time to get to know you. In the few times that we set and had conversations I felt your kindness and took in your wisdom,” sabi niya. “Happy belated birthday Queen! May God continue to bless your path.”

Na-touch naman sa mensaheng ito si Catriona na ngayon ay isa nang Kapamilya at host ng noon-time show na ‘It’s Showtime.’ “Aw thank you queen!” sagot sa kaniya ni Catriona.

Imahe mula sa Instagram | Catriona Gray

Disyembre noong isang taon nang ipasa ng Filipina beauty queen ang kaniyang korona kay Miss South Africa. Sa kaniyang Instagram, ipinaabot niya ang pagbati para kay Zozibini. “Congratulations to our new @missuniverse @zozitunzi. I’m so excited to see what you will do with this amazing platform,” sabi niya.

Nabihag ni Zozibini ang puso ng mga netizens dahil sa pagbabahagi niya ng mga naging karanasan dahil sa kulay ng kaniyang balat.

“I grew up in a world where women who look like me with my kind of skin and my kind of hair was never considered to be beautiful. And I think that it is time that that stops today. I want children to look at me and see my face and I want them to see their faces reflected on mine. Thank you,” sabi ni Zozibini sa final message noong coronation night ng pageant.

Loading…