MMDA K-9 Corps, nakipagtulungan sa mga grupo para sa animal rescue

Imahe mula sa PAWS
  • Nanguna ang MMDA K-9 Corps sa paghahanap ng mga volunteer na tutulong mag-rescue sa mga alagang hayop na naiwan ng naglikasan nilang amo
  • Nakipag-ugnayan sila sa SPAR Philippines upang mailigtas ang marami pang hayop na apektado ng ash fall dulot ng Taal Volcan0 erupti0n
  • Transportasyon daw ang naging pangunahin nilang pangangailangan

Hindi lamang mga tao kundi maging mga alagang hayop ay naging apektado ng patuloy na pag-aalbur0to ng Bulkang Taal. Maraming mga larawan ang kumakalat sa social media na nagpapakita sa mga alaga na naiwan ng kanilang mga naglikasan nang mga amo.

Imahe mula sa SPAR

Ngunit dahil sa pagtutulung-tulong ng iba’t ibang organisasyon ay isa-isang nailikas ang mga naiwang alaga at nabigyan ng maayos na pagkain, lunas, at tirahan.

Isa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) K-9 Corps sa naghanap ng mga volunteer na tutulong upang mag-rescue ng mga hayop na naiwan sa mga lugar na apektado ng matinding ash fall mula sa Bulkang Taal.

“We need volunteers who can help crate and transport abandoned pets in Batangas and nearby provinces to a shelter or foster home,” sabi nila sa kanilang Facebook post.

Nakipagtulungan din sila sa Strategic Power for Animal Respondents – Philippines (SPAR), isang online platform na tumutulong  na magpakalat ng mga impormasyon tungkol sa animal welfare.

Sa kanilang post, sinabi ng SPAR na marami na silang natatanggap na tugon ngunit ang naging pangunahing pangangailangan daw nila ay transportasyon.

“We have so many volunteers but we need vehicles to accommodate them. Please tag any trucking company that you know, jeepney, or private pick up of your friends of friends. Our priority is to rescue more animals dogs and cats basically,” sabi nila sa kanilang post.

Imahe mula sa SPAR

Kung may kakilala na handang tumulong o kaya naman ay magpahiram ng sasakyan, tawagan daw ang mga sumusunod:

Stray Love PH – 09177680555

Stray Worth Loving – 09176363823

Tumatanggap din ang grupo ng donasyon para sa gas, pagkain, tubig, kumot, at iba pang pangangailangan. Maaari silang magpadala sa mga sumusunod:

GCash – 09176363824  /  Paymaya o Coins.ph – 09176363824  /  PayPal – [email protected]

Banco de Oro – Antonia Ramirez – 002280238329

Source :

SPAR, MMDA K-9

Loading…