Modern excuse letter: Guro sinagot ang ipinadalang ‘excuse video’ ng isang ina sa pamamagitan ng isa ring video

Imahe mula sa Facebook | Aei Balud
  • Kakaiba ang ginawang paraan ng isang ina upang ipaalam sa kaniyang mga guro na ang anak niya ay lumiban sa klase dahil may trangkas0
  • Sa halip kasi na magpadala ng excuse letter ay video ang ipinadala niya
  • Naunawaan naman ito ng isang guro na sumagot sa pamamagitan din ng video

Kadalasang hinihingi ng mga guro ang excuse letter upang ipaliwanag ng mga magulang ang dahilan ng pagliban ng kanilang anak mula sa klase.

Imahe mula sa Facebook | Aei Balud

Ngunit ang isang guro, kakaiba ang natanggap na paliwanag mula sa isang magulang dahil sa halip na isulat niya ito at pirmahan ay nag-record siya ng video upang idetalye kung bakit lumiban sa klase ang kaniyang anak.

Sabi ng netizen na si Aei Balud sa kaniyang post, “21st century learners means 21st century parents as well. Tapos na ang panahon ng excuse letters. Panahon na para sa excuse video,” sabi niya.

Sa video, makikita ang nanay na nagpapaalam sa mga guro ng kaniyang anak na hindi makapapasok dahil may trangkas0.

“Good afternoon po, ma’am at sir. Pasensiya na po, hindi po makakapasok yung anak ko ngayon kasi po may trangkas0 po. Baka po bukas na lang makapasok. Pasensiya na, ma’am, sir, nag-video na lang ako. Thank you po,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Aei Balud

Sa pamamagitan ng video, sumagot naman ang isang guro ng bata. “Ay sige po, mother. Ako po si Sir Aei, teacher po ni Amigo sa English. Yung mga na-miss niya pong activities at long test, gawin na lang po niya bukas pag pasok niya. Get well soon po kay Amigo,” sagot ng guro.

Humanga raw kasi siya sa pagbibigay ng oras ng ina para sa kaniyang anak dahil sa sobrang abala raw ng mga magulang ngayon ay hindi na sila nabibigyan ng atensyon.

“Saludo ako kay mother na sa kabila ng kaniyang busy schedule na hindi makapunta sa paaralan upang ipaalam ang kaniyang anak ay gumawa ng paraan. Madaling magdahilan, bihira man  pero may ilang magulang na nagbibigay ng atensyon at panahon sa kanilang anak,” saad niya. “Sana all.”

Source :

Facebook

Loading…