Movie with a Cause: Bahagi ng kita ng ‘Mindanao,’ ibibigay sa charity

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos
  • Ibibigay sa charity ang bahagi ng kikitain ng Metro Manila Film Festival entry na Mindanao
  • Humakot ng samu’t saring awards dito at sa ibang bansa ang Mindanao
  • Showing pa raw ang pelikula sa mahigit 100 sinehan sa buong bansa

Bahagi ng kikitain ng Metro Manila Film Festival 2019 entry na “Mindanao” ay ibibigay sa charity na nangangalaga sa mga batang may sakit.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

Ito ay ayon kay Judy Ann Santos na gumanap na bida sa pelikula. Sa kaniyang Instagram, nagbahagi siya ng tweet na nagsasabing ang Mindanao ay isang movie with a cause. “Portion of the movie gross earned for its entire run will be donated to the KyThe Foundation,” sabi pa sa larawan.

Ang foundation na ito ay nangangalaga sa mga batang may malalang sakit kagaya ng kanser at iba pang mga karamdaman na hindi gumagaling.

Humakot ng awards ang Mindanao, sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza, sa Gabi ng Parangal na ginanap noong Disyembre 27. Ilan sa mga naiuwi nila ay ang Best Picture, Best Actor (Allen Dizon), Best Actress (Judy Ann Santos), at Best Child Performer (Yuna Tangog). Ito rin ang ginawaran ng Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award at Fernando Poe Jr. Memorial Award.

Matatandaang nanalo rin ng Best Actress Award si Judy Ann at Best Director naman si Mendoza na nakalipas na Cairo International Film Festival para rin sa pelikulang Mindanao.

Imahe mula sa Instagram | Judy Ann Santos

Malaki ang pasasalamat ni Judy Ann dahil sa sunud-sunod na biyayang natanggap niya sa nakalipas na taon. Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga kasamang bumuo ng Mindanao. “Lord! Grabe ka sa akin this year! I am beyond grateful…@brillantemendoza direk.. maraming salamat sa pagkakataon na makatrabaho ka,” saad niya.

Pinasalamatan niya rin ang kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo na lagi raw naroon para sa kaniya. “My love, @ryan_agoncillo i love you. Thank you for capturing this image and for being with me this whole time. You and the kids will always be my greatest blessing,” sabi ni Juday.

Ayon sa kaniya, showing pa ang pelikula sa mahigit 100 sinehan sa buong bansa.

Loading…