Muslim community tutulong na mapanatiling ligtas at payapa ang Traslacion ng Itim na Nazareno

  • Muslim community ng Baseco handang tumulong sa kaayusan ng Traslacion ng Itim na Nazareno
  • Sinabi ng NCRPO na 1,500 pulis ang sasama sa prusisyon at 10,000 pulis ang ipakakalat sa ruta ng prusisyon
  • Gagawing “zero vendor area” ang buong Quiapo mula sa Enero 8 hanggang Enero 9

Ipinahayag ng Muslim community sa Baseco, Maynila na handa silang magbigay ng suporta upang masigurong ligtas at matiwasay ang gagawing Traslacion ng Itim na Nazareno sa Huwebes, ika-9 ng Enero.

Imahe mula sa Facebook page ng Nuestro Padre Hesus Nazareno de Quiapo

Sa isang press briefing, isiniwalat ni National Capital Region P0lice Office (NCRPO) chief Brigadier General Debold Sinas na nakipagpulong siya sa mga lider ng Muslim community ng Baseco at ang mga ito mismo raw ang nagsabing handa silang tumulong na mapanatiling ligtas at mapayapa ang prusisyon na nilalahukan ng milyon-milyong debotong Katoliko.

“The leaders offered to help facilitate the celebration by giving devotees water as well as other means to ensure a safe, peaceful and solemn celebration of the feast. I am humbled with gratitude by the cooperation and support granted us by our Muslim brothers in our plight to ensure the safety and security of the upcoming Traslacion. NCRPO is with you to make this momentous event a success,” pahayag ni Brig. Gen. Sinas.

Isiniwalat din ni Sinas ang mga pagbabagong gagawin sa traslacion upang mapabilis at gawing mas ligtas ang prusisyon.

Aniya, 1,500 pulis ang sasama sa prusisyon at 10,000 pulis ang ipakakalat sa ruta nito.

Imahe mula sa Facebook page ng Quiapo Church

Hindi na rin papayagan ang mga deboto na maglakad sa harapan ng “andas” o karosa ng imahen ng Black Nazarene upang hindi bumagal ang daloy ng prusisyon. Ang lahat ng mga deboto ay dapat nasa likod at sumusunod lang sa andas.

“Para mapigilan ang mga tao na mag-rush sa harap dahil dun bumabagal, dun nakakaistorbo. Ang prusisyon, dapat sa likod ka sumunod para mas malinis siya. Puwede sumampa at magpunas. Ang sampahan lang ay sa likod, wala na sa harap,” ani Sinas.

Lalagyan din ng mga barbed wire ang mga biga ng Ayala Bridge upang maiwasan ang pagsampa ng mga deboto sa metal frame ng tulay.

“Mga kabataan ngayon, umaakyat ‘yan dun. Baka mahulog at may mga tao sa baba, marami pa ang madisgrasya. Prevention po ito,” paliwanag ni Sinas.

Imahe mula sa Abante

Ang mga street sweepers at miyembro ng road clearing groups ay nakapuwesto sa dulo ng prusisyon upang agad na malinis ang mga kalat at basura.

Samantala, magpapatupad si Manila Mayor Isko Moreno ng truck van sa ruta ng Traslacion mula Enero 7 hanggang Enero 9 habang ang buong Quiapo ay gagawing “zero vendor “ area  mula Enero 8 hangang Enero 9.

“Kailagan ko po  ng pakiisa ninyo para sa kaligtasan at kaayusan para sa Poong Nazareno bilang tulong na rin sa ating  tradisyon at pakikiisa ng pamahalaang Lungsod  sa Simbahan at mamamayan sa pagdiriwang  ng Traslacion 2020. I want the entire stretch of traslacion to be clear visually,” pakiusap pa ng alkalde.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…