Nadine Lustre, pumalag sa column ni Ricky Lo tungkol sa kanila ni James Reid

Imahe mula sa Instagram | Nadine Lustre
  • Sinagot ni Nadine Lustre ang column ng entertainment writer na si Ricky Lo tungkol sa column nito na nagsasabing hindi fake news ang breakup ng JaDine
  • Pero ang ikinainis ng aktres ay ang sinabi ni Lo tungkol sa mental health issues ni Nadine
  • Wala raw katotohanan lahat ng isinulat ni Lo at ang mental 1llness daw ay isang sensitibong bagay

Pumalag ang aktres na si Nadine Lustre sa inilabas na column ng entertainment writer na si Ricky Lo sa Philippine Star at tinawag itong “low.”

Imahe mula sa Instagram | James Reid

Bagama’t naunang ibinalita ng entertainment website na Pep.ph ang breakup daw nila ng reel turned real partner na si James Reid dahil sa “irreconcilable differences,” tila hindi nagustuhan ng aktres ang sinabi ni Lo sa bahagi ng kaniyang column na maingat daw si James sa pag-handle ng breakup nila dahil sa mental health issues ng aktres.

“According to a STAR source, James is handling the breakup with care to cushion the impact on Nadine who has admitted grappling with mental 1llness,”  sabi ni Lo at idinagdag pa ang kapatid nito na kinitil ang sariling buhay. Burado na ang bahaging ito sa website ng Philippine Star ngunit mabilis itong na-screenshot ng fans ng JaDine.

Sa kabila ng sunud-sunod na post ng fans ng JaDine ng larawan ng kanilang mga idolo na magkasama nitong mga nakalipas na araw, pinanindigan din ni Lo na totoo ang isinulat ng Pep.ph. “Despite the protestations of JaDineans who seem to be in denial about their idols’ reported breakup, the sad reality is that Jojo Gabinete’s scoop in pep.ph is true and not fake news,” sabi niya.

Imahe mula sa Philippine Star

Iginiit din ni Lo na totoong nag-alsa balutan na si Nadine mula sa bahay ni James na tinuluyan daw nila sa loob ng mahigit dalawang taon. Tinapos niya ang column sa pagsasabing “Come on, Nadine, it’s 2020. James is not the only ‘fish’ in the sea.”

Sinagot ni Nadine ang mga ito sa kaniyang Instagram stories. Saad niya, “First off, that was so low @therealrickylo @philippinestar. Second, none of what you said was true and it is NEVER okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental 1llness is a very sensitive matter.”

“And last, you think you know so much about me, you can’t even get my last name right,” dagdag pa niya. Sa orihinal na caption kasi ng larawan nila ni James, Samonte, sa halip na Lustre ang inilagay na apelyido niya.

Tinapos ni Nadine ang pahayag sa pagsasabing “ANU NA, 2020 NA!!”

Loading…