Nakakakilig na wedding proposal ng babae sa kaniyang BF, viral sa socmed

  • Viral sa social media ang wedding proposal ng isang babae sa kaniyang nobyo
  • Marami ang humanga sa tapang ng dalaga para hingin ang kamay ng kaniyang boyfriend sa pampublikong lugar
  • Hindi naman siya binigo ng lalaki na sa huli ay ibinigay rin ang matamis niyang “OO” sa kasintahan

“Will you marry me?” Ito ang mga katagang nangibabaw sa loob ng isang restaurant kung saan naganap ang viral wedding proposal ng isang babae sa kaniyang boyfriend.

Imahe mula sa Facebook video ni Stephen Berdecen

Maliban sa kilig na hatid ng wedding proposal sa netizens, marami rin ang humanga sa pangyayari dahil ang nobya mismo ng lalaki ang humingi ng kamay nito sa harap ng maraming tao.

Ibinahagi ni Stephen Berdecen sa social media ang video kung saan makikita ang ‘di-pangkaraniwang proposal ng babae sa kaniyang kasintahan.

“Who says only man can propose? I’m proud that the Philippines screams equality,” sabi nito sa unang bahagi ng post.

Ayon kay Stephen, maging siya na kapatid ng lalaki sa video ay nagulat sa labis na pagmamahal ni Cheska Galvez para sa kaniyang kapatid.

Kuwento pa niya, inimbitahan sila ni Cheska na kumain ng hapunan sa labas. Nagulat na lamang umano siya nang magsimulang lumakas ang tunog ng background music sa loob ng restaurant na kanilang kinakainan.

“Sabi ko kay ate, ‘Ano iyon? May magbi-birthday ba?’” ani Stephen sa post.

“Then maya-maya meron mga crew sa restaurant na nag-aabot sa kapatid ko. Nagugulat siya bakit inaabutan siya nang paisa-isang red roses. Then yung pangatlo, umabas si Cheska para magpropose sa kapatid ko,” kuwento niya.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Dito na rin umano sinambit ni Cheska ang mga katagang “Will you marry me?” sa kaniyang kasintahan. Hindi naman siya binigo ng lalaki na sa huli ay ibinigay rin ang matamis niyang “OO” sa kasintahan.

Dagdag ni Stephen, “Nagulat kaming lahat na kaya niya iyon gawin sa maraming tao at ganoon siya ka proud sa pagmamahal niya sa kapatid ko.”

Maliban kay Stephen, maraming netizens rin ang humanga kay Cheska dahil sa ipinamalas nitong lakas ng loob para mag-propose sa kaniyang kasintahan at sa harap pa ng maraming tao.

Kasi ganoon siya katiwala sa pagmamahalan nila!

Imahe mula sa Facebook video ni Stephen Berdecen
Source :

Facebook, Youtube

Loading…