Nakapaglaro ka rin ba ng SOS noon?

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy Ngayon at Noon.
  • Naranasan mo rin bang maglaro ng SOS noon?
  • Ibinahagi ng isang Facebook page ang larawan nito at napabalik-tanaw sa mga panahon na naglalaro sila nito
  • Ang ilang netizens, sinabi pang itinuro nila ang larong ito sa kanilang anak

Noong mga panahong hindi pa nauuso ang mobile phones at Internet ay may kaniya-kaniyang paraan ang mga bata upang maglaro at maglibang. Mas aktibo sila noon at madalas na lumalabas ng bahay upang makipaglaro.

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy Ngayon at Noon.

Ngunit kahit sa loob lang ng bahay o habang hinihintay na dumating ang kanilang guro ay may paraan sila upang maglibang kahit na wala silang gadgets. Isa na rito ay ang  paglalaro ng SOS, kung saan bubuo ang magkakalaro ng “SOS” at ang pinakamarami nito ang siyang mananalo.

Nagbahagi ng larawan nito ang Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon at sinabing ito raw ang “dahilan kung bakit nauubos agad yung papel mo.” Sumang-ayon naman dito ang netizens at napabalik-tanaw sa mga masasayang araw na nilalaro nila ito.

Ayon kay M. Lirio, naranasan niya raw maglaro nito noong nasa elementarya pa siya kapag wala ang kanilang guro. “Hustler ako riyan. Talo lagi ang kalaban,” kuwento niya.

Kabaliktaran naman niya si Wilhelmina O. na hindi raw madalas manalo sa SOS. “’Yan ang laro na bihira ako manalo. Pag recess, sa halip na kumain, naglalaro kami niyan. Pag talo, pitik sa kamay. Pulang pula kamao ko,” sabi niya.

Imahe mula sa Facebook | Batang Pinoy Ngayon at Noon.

Si Dania Z., naaalala naman ang SOS tuwing walang kuryente dahil noon daw ay ito ang nagiging libangan niya kapag brownout.

Natuwa naman si F. Maniego sa pagbabahagi ng larawan ng larong ito dahil naranasan niya rin daw ito. “Simpleng laro lang pero walang maitutumbas sa tuwa at saya ng mga nakapaglaro niyan,” pagbabahagi niya.

Hindi naman hinayaan ni Christine D. na hindi maipasa ang larong ito sa kaniyang mga anak kaya itinuro niya ito sa kanila. “Hanggang ngayon naglalaro pa ako niyan kasama ko anak ko,” sabi niya.

Source :

Facebook

Loading…