Nanay na nanalo sa Wowowin, sa Eat Bulaga nagpasalamat; Willie Revillame, hinanap si Bossing sa show niya

  • Trending ngayon ang pasasalamat ng isang ginang na nanalo sa Wowowin
  • Imbes kasi na ang show ni Willie Revillame ang pasalamatan, sa Eat Bulaga ito nagpasalamat
  • Nagdala naman ng katatawanan sa audience ang pagkakamaling ito ng ginang

Kadikit na ng kulturang Pilipino ang mga game shows. At ang GMA Network ay nagpapalabas ng iba’t ibang game show mula Lunes hanggang Linggo. Isa sa mga pinakapinapanood na Kapuso game show ay ang Wowowin na napapanood tuwing hapon.

Sa isang segment ng Wowowin na ‘Patalbugan,’ ang isang nanay na nanalo sa programa ni Willie Revillame ay pinasaya ang mga manonood sa kanyang nakatutuwang pagkakamali. Imbes kasi na ang show ni Willie ang mapasalamatan niya, ibang game show ang nasambit ng matanda.

I-click ang larawan upang mapanood ang video ng Wowowin

Sa isang episode ng Wowowin, matapos padaliin ni Willie ang paraan upang manalo ang player na si Nanay Delia mula sa Bataan ay nakapag-uwi ang matanda ng P30,000 na papremyo. At bilang tradisyon ng show, nagkaroon ng pagkakataon ang ginang na magpasalamat sa biyayang natamo.

Gayunman, imbes na ang Wowowin ang pasasalamatan ni Nanay Delia, sinabi nito na nagpapasalamat siya sa Eat Bulaga, isa pang noontime game show na napapanood rin sa GMA Network. Nagdala ng katatawanan sa audience ang pagkakamali ng ale.

“Maraming-maraming salamat po sa Eat… Eat Bulaga…” sabi ni Nanay Delia na agad ring napagtanto ang kanyang pagkakamali kaya binawi niya ito at ginawang Wowowin.

Ngunit narinig na rin nina Willie at mga co-host niyang sina Sugar Mercado, Hipon Girl, Almira Teng, at Elaine Timbol ang pagkakamali niya kaya naman humirit ang main host ng isang biro tungkol dito. Pabiro niyang hinanap si Bossing Vic Sotto sa kanyang show na Wowowin.

“Sandali, sandali… Andyan ba si Bossing? Tawagin n’yo nga! Si Jose, andyan ba si Jose? Si Wally?” biro ni Willie na nagdulot ng katatawan sa mga nanonood sa studio.

Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin

Si Hipon Girl Harlene naman ay pabirong tinawag pa si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza. Matatandaang kamakailan ay nag-viral ang larawan nilang dalawa nang mag-guest si Hipon sa sitcom ni Maine na ‘Daddy’s Gurl.’

Humingi naman ng paumanhin si Nanay Delia kay Willie na agad namang tinanggap ng host. Sabi ni Willie, marami daw nagkakamali sa mga ganitong uri ng programa dahil pare-pareho daw ang pakay nilang magpasaya ng mga manonood.

Loading…