Nayong Pilipino, muling magbubukas ngayong 2020

Imahe mula sa Facebook | Nayong Pilipino Foundation
  • Kaabang-abang ang muling pagbubukas ng Nayong Pilipino sa publiko ngayong taon
  • Matatandaang nagsara ang dating Nayong Pilipino noong 2002 upang magbigay-daan sa expansion ng Ninoy Aquino International Airport
  • Magiging daan daw ang bagong Nayong Pilipino upang maraming Pilipino pa ang mas makaalam ukol sa cultural heritage ng Pilipinas

Isa ka ba sa mga may hindi makalilimutang karanasan nang mag-field kayo noon sa Nayong Pilipino?

May magandang balita para sa iyo. Muling magbubukas ang Nayong Pilipino ngayong 2020. Opisyal itong ibinalita ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) sa kanilang Facebook page.

Imahe mula sa Facebook | Nayong Pilipino Foundation

“We welcome the new year with good news! NPF and the Department of Tourism (DOT) will establish a world-class Cultural Park and Creative Hub and innovatively celebrates Filipino identity,” sabi nila sa kanilang opisyal na pahayag sa Facebook.

Itatayo raw ito sa 9.57 ektaryang property sa Entertainment City, New Seaside Road sa Parañaque. Ito ang ipapalit sa dating Nayong Pilipino na isinara upang magbigay-daan sa pagpapalawak ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong taong 2002.

Matutunghayan daw rito ang mga exhibition, pagtatanghal, multimedia content, at educational tours na magpapakita ng ating cultural heritage.

“The place shall be a catalyst for innovation and a venue for collaboration, where we promote sustainable creative endeavors and inclusive growth for national development,” dagdag nila.

Imahe mula sa Facebook | Nayong Pilipino Foundation

Magbubukas daw ang NPF ng oportunidad para sa mas aktibong heritage at creative sector. Magiging daan din daw ang Nayong Pilipino upang maraming Pilipino ang mas makaalam ukol sa cultural heritage ng Pilipinas.

“It will be a place for enlivening the stories of our nation and nurturing our love of country. It will develop programs and spaces for rediscovering our roots and enriching our contemporary emergence. It will provide platforms for reimagining the nation,” sabi pa nila. “We begin the new year with the promise of a new Nayon — one that belongs to and bridges all.”

Source :

Facebook

Loading…