Netizen ibinahagi ang epekto ng volcanic ashfall sa kaniyang balat

  • Ibinahagi ng isang netizen ang larawan na nagpapakita ng naging epekto ng v0lcanic ashfall sa kaniyang balat
  • Nagkaroon siya ng kondisyon na tinatawag na “irritant contact dermatitis” dahil sa mga abong dumikit sa kaniyang balat mula sa nag-alburotong Bulkang Taal
  • Mas mabuti na ang kaniyang pakiramdam sa ngayon dahil nabigyan na siya ng karampatang lunas matapos niyang magpakonsulta sa isang espesyalista

Mariing pinapayuhan ng mga eksperto ang publiko na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan kung sakaling makaranas muli ng v0lcanic ashfall mula sa nag-aalbur0tong Bulkang Taal.

Imahe mula kay Kristel Jane Fernandez Pedro | Facebook

Paliwanag ng mga ito, ang mga abong nagmumula sa bulkan ay mayroong mga kemikal na maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng iritasyon sa balat, sa mata, at maaari ring maging dulot ng hirap sa paghinga.

Sa Facebook, ibinahagi naman ng isang netizen ang mga larawan na nagpapakita kung ano ang naging epekto sa kaniyang balat ng mga abong nagmula sa Bulkang Taal.

“This is the effect of the v0lcanic ashfall on my skin,” ani Kristel Jane Fernandez Pedro sa kaniyang post noong January 13.

“Mag-ingat po tayong lahat. Even if I’ve worn mask and I have an umbrella to protect me against the ashfall last night, it still triggered my skin,” sabi nito.

Makikita sa larawan na kaniyang in-upload kung paano napuno ng rashes o mamulang-mulang pantal ang kaniyang leeg at mukha, kahit pa sinabi ng netizen na nagsuot siya ng face mask at gumamit ng payong bilang proteksiyon sa mga abong humalo sa hangin.

Nagbigay rin ng update ang netizen sa post matapos niyang magpatingin sa espesyalista tungkol sa naranasang problema sa balat matapos ang pag-ulan ng abo sa kanilang lugar.

Imahe mula kay Kristel Jane Fernandez Pedro | Facebook

“We have already visited a dermatologist and she said that in my case it is ‘irritant contact dermatitis’ that I got from the ashfall,” sabi ni Kristel.

Ayon pa sa dalaga, mas mabuti na ang kaniyang pakiramdam ngayon dahil naresetahan na siya ng gamot, lotion, at sabon para sa kaniyang balat.

“She already prescribed medicines, lotion and soap that I can use to bring back my skin to normal. As of now, I feel better and the rashes on my skin was lesser than before,” ayon sa netizen.

I-click ang imahe para makita ang buong post
Source :

Facebook

Loading…