Netizen nalito kung “sliced bread” nga ba ang nabili dahil ‘lengthwise’ ang sukat nito

  • Nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang larawan ng isang buong sliced bread na “lengthwise” ang pagkakahiwa sa halip na pakuwadrado
  • Ang sliced bread ay isa sa mga paboritong tinapay ng mga Pilipino
  • Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens

Isa sa mga paboritong pagkain sa almusal o maging sa meryenda ng mga Pilipino ang tinapay. Bukod sa pandesal, isa sa mga madalas na binibili sa mga supermarket at grocery ang sliced bread, o tinatawag ng karamihang bilang “tasty”. Karaniwan itong mahaba at nahahati sa maraming piraso, na may sukat na pakuwadrado.

Kaya naman, nagbunsod ng katatawanan sa mga netizens ang larawang ibinahagi ng isang nagngangalang “Anthony”. Batay sa kaniyang Facebook post, kakaiba ang hitsura ng sliced bread na kaniyang nabili, dahil imbes na pakuwadrado ang hiwa nito, naging patayo o lengthwise ito.

Imahe mula sa Facebook account ni Anthony Anasco

Hindi naman naiwasan ng mga netizens na magkomento hinggil dito. Saad ng isa, “Ano bang klaseng tinapay iyan? Hahaha. Bakit mali ang hiwa? Legit ba iyan? Parang nakakaumay namang ubusin kapag ganiyang kalalaki ang slice.”

“Ewan ko na lang kung hindi ka pa mabusog sa ganiyang kalalaking slice hahahaha,” pabirong sabi naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “Galit yata sa paghiwa ang gumawa ng tasty na iyan. Para yata iyan sa mga matatakaw hahaha. Kapag ganiyan kalaki ang slice, magastos din sa palaman for sure.”

Ang sliced bread ay isang uri ng tinapay na hiniwa–hiwa sa paraang pakuwadrado gamit ang isang espesyal na makina. Nagsimula itong maimbento noong taong 1928 sa America, bilang tinapay ang pangunahing pagkain ng mga Amerikano, katumbas ng kanin sa ating mga Pilipino.

Public Domain Image

Sa Pilipinas, dalawang brand ng sliced bread ang patok at tinatangkilik ng masa. Ito ay ang “Gardenia” at “Pinoy Tasty” na mas mura ang halaga. Bukod sa dalawang ito, nariyan din ang iba pang mga brands gaya ng “Creative Bakers”, “Uncle George”, “Marby”, “MLM Fortune Bakeshop”, “French Bakers”, “Sunmaru”, “Julie’s Bakeshop”, at iba pang community bakeries sa ilalim ng Filipino-Chinese Bakery Association Inc. at Philippine Federation of Bakeries Association Inc.

Loading…