Netizen saludo sa ginawa ng restaurant crew na paghahanap sa naiwang singsing ng kanyang asawa

  • Customer bumilib sa ibinigay na tulong ng restaurant crew sa paghahanap ng naiwang singsing ng asawa
  • Tatlong malalaking basurahan ang hinalungkat ng mga restaurant workers bago nakita ang singsing
  • Hindi tinanggap ng restaurant crew ang alok na pabuya sa kanila ng customer

Napabilib ang isang customer sa mga tauhan ng isang popular na restaurant sa Petaling Jaya, Malaysia – ang Fatty Crab – dahil sa ginawa nilang pagtulong sa paghahanap sa naiwang singsing ng asawa.

Imahe mula sa Facebook account ni Daryl William Bridger

Tatlong malalaking garbage bags ang hinalungkat ng restaurant staff mahanap lang ang singsing.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Daryl William Bridger ang pangyayari.

Nagtungo umano silang mag-asawa sa Fattry Crab para maghapunan noong ika-12 ng Enero. Nang matapos na silang kumain ay umalis na sila sa restaurant.

Nang makalipas ang kalahating oras ay saka pa lamang naalala ng kanyang asawa na naiwan sa table ng restaurant ang kanyang singsing. Inalis umano ito ng babae sa kanyang daliri dahil nais niyang mag-kamay habang kumakain. Mahalaga pa naman ang nasabing singsing na regalo ng ina ng babae.

Agad daw silang bumalik sa Fatty Crab at nagpatulong sa paghahanap ng singsing.

“Today we had dinner at Fatty Crab. When we were on the way home, 30 minutes or so, my lovely wife realized that she left her ring on the table. It was a sentimental gift from her mom,” post ni Bridger.

Imahe mula sa Facebook account ni Daryl William Bridger

Nagpatulong umano sila sa restaurant supervisor na mahanap ang singsing. Halos kalahati raw ng restaurant crew ang tumulong sa paghahanap ng singsing sa mga basurahan.

“I really couldn’t put into words how grateful I am for fatty crab’s crew. Half of the staffs went to search all the rubbish bins,” aniya.

Sabi pa ni Bridger, nagsigawan pa sa tuwa ang crew na parang sila ang may-ari ng singsing nang matagpuan iyon matapos halungkatin ang tatlong malalaking basurahan.

“As soon as they found the ring, they applauded and cheered so loud as if it was their own ring. I was mesmerized. Such sincerity and loyalty to their customers,” masayang kuwento ni Bridger.

Imahe mula sa Facebook account ni Daryl William Bridger

Ang higit pang kinabiliban umano ni Bridger ay ni hindi tinanggap ng mga restaurant staff ang pabuyang inalok niya.

Aniya, habambuhay siyang magpapasalamat at ibibigay ang suporta sa Fatty Crab.

Source :

Facebook

Loading…