Netizens ibinahagi ang realisasyon sa muling pagsikat ng awiting “Tala” ni Sarah Geronimo

  • May aral o realisasyon ang ilang mga netizens sa muling pamamayagpag ng awiting “Tala” ni Sarah Geronimo
  • Noong 2016 pa sumikat ang awitin subalit lubusan itong nagningning sa pagtatapos ng 2019 na nagpatuloy hanggang 2020
  • Isinayaw naman ng halos buong Pilipinas ang Tala Dance Challenge na tinawag na “Grand Tala Day” sa musical variety show ng ABS–CBN na “ASAP Natin ‘To” sa pangunguna ni Sarah G noong Linggo, Enero 5, 2020

Hindi na talaga paaawat ang muling pagsikat, pag–awit, at pagsayaw ng sambayanan sa awiting “Tala” ni Popstar Royalty Sarah Geronimo na talaga namang tinangkilik ang “Tala Dance Challenge” mula sa mga sikat na personalidad hanggang sa mga karaniwang mamamayan.

Ilan sa mga netizens tuloy ang nagbahagi ng kanilang realisasyon sa aral na maaaring makuha mula rito.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Nhoie Gurrobat, “Sarah Geronimo’s ‘Tala’ was released January 2016. Years after, it reached the stars. IT. TOOK. FOUR. YEARS. TO. HIT. MAINSTREAM. Let that sink in.”

Imahe mula sa Facebook account ni Nhoie Gurrobat

At ito naman ang aral na nakuha niya mula rito: “LESSON. The day you plant the seed is not the day you eat the fruit. Be patient. Be humble. Keep moving forward and know that all this hard work you’re putting in day in and day out will produce the results you’ve been looking for. Your time will come. Don’t give up.”

Ayon naman sa netizen na si Ginoong Richard de Leon, bawat tao raw ay magkakaroon ng pagkakataon na masilayan ang kanilang mga “tala”. Batay sa kaniyang Facebook post, “Grabe ang “Tala Dance Craze” ahhh. 2016 pa pala ang kantang ito ni Sarah G. Akalain mong makalipas ang 4 na taon, saka sisikat nang husto?”

Heto naman ang kaniyang realisasyon: “Naisip ko tuloy, ganoon nga siguro ang buhay. Kapag may itinanim tayo, maghintay tayo sa takdang panahon para anihin ito. Hindi man dumating sa ngayon ang mga hinihingi nating hiling, hindi pa man natin natatanaw ang “tala”, darating ang sandaling makakamtan din natin ito, sa hindi inaasahang pagkakataon. NAGNININGNING PA!

Dagdag pa niya, “Huwag titigil sa pangangarap. Huwag mapapagod sa pagsusumikap. Kumbaga, hintay lang kapatid.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ginoong Richard de Leon

Sumang–ayon naman ang mga kapwa netizens sa realisasyon ng dalawa. Sabi ng isa, “Nakakatuwa itong talang ito! Dati hindi uso tapos biglang nauso ngayon. Ganoon rin siguro sa mga pangarap  natin, hindi pa nangyayari sa ngayon pero darating din ang tamang panahon.”

“Yes it was famous back in 2016 already pero hindi kasing famous ng narating ng kanta na ‘yan ngayon na halos maging national anthem na ng Pilipinas! Kesehodang mga barako sa kanto, majojonda, pati mga bata na halos saulo na yung lyrics at choreo ng kantang yan,” komento naman ng isa.

Bakit at paano nga ba sumikat muli ang kantang ito? Ayon sa mga tagahanga ni Sarah G, nagsimula ito nang sayawin ito ng Popstar Royalty sa kaniyang concert na “This 15 Me” Sa Araneta Coliseum at sa iba pa niyang mga concert abroad.

Nag–trending din ito sa “after party” ng The Voice Kids kung saan isinayaw ito ng kaniyang Team Sarah kasama siya. Ang latest ay pagsayaw nito ng mga beki sa isang basketball court dahil hindi pinayagang maglaro ng volleyball ng isang nagngangalang “Aling Nelia”. Dito na nagsimula ang “Tala Dance Challenge” na ginaya at sinubukan ng iba’t ibang mga netizen, sikat man o karaniwang mamamayan.

Isinayaw naman ng halos buong Pilipinas ang Tala Dance Challenge na tinawag na “Grand Tala Day” sa musical variety show ng ABS–CBN na “ASAP Natin ‘To” sa pangunguna ni Sarah G noong Linggo, Enero 5, 2020, na talaga namang pinag–usapan at nagpaindak sa lahat. Inanyayahan din ang mga karaniwang netizen na naging trending ang video sa pagsayaw nito.

Panoorin ang video ng Grand Tala Day noong Linggo, Enero 5, 2020 sa ASAP Natin ‘To via YouTube channel:

Loading…